Mapapanidigan ko kaya ang desisyon ko?
May babalikan pa ba ako kung mali ito?
Mga tanong na pabalik balik sa aking utak
Hindi matigil tigil ang imahinasyong malawak

Minsan ako ay napapanghinaan na ng loob
Hindi alam kung ano sa desisyon ko ang nakapaloob
Ano kaya ang magiging resulta?
Hindi ko malaman laman talaga

Sana naman ako ay iyong tulungan
Kung ano man ang mangyari o madatnan
Sana ito ay maharap ko ng malakas
At maisipang meron pa namang bukas

Sa buhay natin kailangan natin mag desisyon
Desisyon na hindi dapat isama ang emosyon
Dahil minsan kapag naka desisyon ka na
Ito ay hindi mo na mababawi kalian pa.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *