Mula noon sanay akong maghintay
Okay lang kahit walang kasabay
Kahit ilang oras kaya kong tiisin
May mapaglibangan lang okay na sa akin
Pero ngayon ibang klase na to
Hindi ako sanay na ganito
Hindi alam kung ano ang inaabangan
Kung may patutunguhan nga ba naman
Siguro isang tawag okay na
Para malaman ko kung ano talaga
Para na rin makapagdesisyon ng tama
At agam agam ko ay mawala
Minsan ang paghihintay ay nakakabagot
Hindi mo alam kung saya o lungkot ang dulot
Siguro kailanga lang talaga ng pasensya
At tanggapin na lang kung ano ang kahihinatnan niya