Itlog at Corned Beef

Kaninang umaga gusto kong mag almusal ng itlog. Pero gusto ko rin ng corned beef. Pero medyo tinatamad akong magluto kaya naisip ko pagsabayin na lang sila. Hinalo ko yung itlog sa corned beef. Pinagsabay at pinaghalo. Okay naman eh. Masarap pa din naman siya. Hindi naman sumakit ang tiyan ko.
Pero sa isang relasyon hindi pwedeng ganun. Hindi dapat pagsabayin at hindi dapat paghaluin. Hindi nga sasakit ang tiyan mo, sasakit naman ang ulo mo.
Pilit kong iniintindi ang mga taong nagkakaroon ng mga sabay sabay na karelasyon. Hindi ba sila nakokontento sa isa at kailangan pang maghanap ng iba? Mahirap bang gawin na maging loyal sa isa kesa sa malilito ka sa huli kung sino sa kanila?
Baka kasi may mga pinag daanan sila dati na nag udyok sa kanila para gawin ang mga bagay na yan. Baka kasi sa tingin nila kulang ang pagmamahal na natatanggap nila kaya kailangan pa ng iba. Baka kasi kailangan nila ng reserba na pag nawala ang isa meron pa silang iba. Ano to? Gulong ng kotse?
Ang relasyon ay hindi pagkain na kahit pagsabay-sabayin at paghalu-haluin mo man ang mga sangkap nito ay hindi sasakit ang tiyan o ulo mo. Kung naging pagkain man ito sayo, sa huli kailangan mo pa rin mamili ng main ingredient mo. At isa lang yun. 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *