Kanino ba ang mas mahirap mag move on? Sa taong talagang naging kayo o sa tao na sana naging kayo?

One time nakita namin na ngumingiti mag isa ang isa naming officemate habang may binabasa sa phone niya. Sabi ng katabi kong officemate, “Inlove nga talaga oh. Ngumingiti mag-isa”. Doon nagsimula ang kwentuhan namin about sa love life niya.

Nasa tamang edad naman siya para mag asawa. Pero sa ngayon wala siyang boyfriend. Naka ilang boyfriend naman siya actually at sinusubukan niya namang mag date pa minsan minsan. Pero wala daw talaga siyang nagugustuhan sa ngayon.

Naikwento niya tungkol doon sa isang tao na hanggang ngayon hindi niya pa nakakalimutan ang feelings niya para dito kahit hindi naman naging sila. Classmates sila noong highschool at schoolmates sila noong college. Naging malapit daw sila sa isa’t-isa dahil palaging tumatambay dati sa dorm nila si guy kasama ang iba nilang friends. Noong una tinutukso niya pa sa kaibigan niyang babae si guy hanggang sa narealize niya na bakit parang nasasaktan siya sa tuwing ginagawa niya yun. Doon niya nasabi sa sarili niya na may gusto na siya kay guy.

Lumipas ang ilang taon pero yung pagkagusto niya na yun kay guy hindi pa rin nawawala. One time nagkita sila sa isang wedding ng kaibigan nila. Hindi niya daw muna pinansin si guy kasi nahihiya siya. Pero noong dumating na ang iba pa nilang mga kaibigan, nagpansinan naman na sila. Naitanong kay guy kung currently in a relationship siya. Sabi niya hindi daw. Pabirong naisip ng officemate ko na “siguro inaantay ako nito..”.

Sabi niya, kung dati na siyang gusto ni guy, sana sinabi niya na di ba? Pero hindi eh.

Naka move on na siya sa lahat ng mga ex niya, pero sa guy na to hindi pa rin. Sabi ko baka kasi walang closure. Sagot niya “pano magkaka closure kung hindi naman na open?”

Siguro mahirap nga kumawala sa feelings na hindi naman naging certain. Sa feelings na hindi ka sure kung mutual. Sa feelings na sarili mo lang ang nakaka alam. Kasi ang daming tanong na hindi nasagot. Ang daming “what ifs” na hanggang sa what ifs na lang. At ang daming “sana” na pinagsisihan mo na hindi mo ginawa.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *