Siksik pa more

May naalala ako. Noong Monday maaga akong umalis sa bahay kasi ini-expect ko na matindi ang traffic at mahirap sumakay kasi nga Monday. Sakto naman nung pagkadating ko sa bus stop may bus na byaheng Ayala na nakatigil. Hindi na ako pumili at naghintay pa. Baka kasi ma late na ako kung mag aabang pa ako ng iba.

Pag akyat ko ng bus sakto naman may isang upuan pa sa pinaka dulo. Pero may isang pasahero na lumipat doon. Una di ko alam kung bakit. Kaya doon ako umupo sa inalisan niyang upuan. Nang maka upo na ako, alam ko na kung bakit siya lumipat.

Ang liit-liit pala ng space. Pang tatluhan nga na upuan pero ang lalaki naman nung unang dalawang naka upo, Kaya kahit (mejo) maliit na ako di pa rin ako saktong nakaka upo. Noong una nga parang half pa ng pwet ko ang nakaka upo. Pero habang bumabyahe yung bus napapansin ko na mas lumiliit ang space ko.

Naisipan kong lumipat ng upuan pag may bumaba. Pero nag alangan ako. May panahon na gustong gusto ko nang lumipat pero nauunahan naman ako sa lilipatan kong pwesto.

Nung bumaba na ang isa sa dalawang pasahero na katabi ko, natuwa ako. Sa wakas makaka upo na ako ng maayos! Pero mali pala ako. Dahil pang tatluhan nga yung upuan, may umupo naman sa tabi ko. Ito namang si ate kung maka pwesto wagas. Ako kaya naunang umupo dun pero kung maka eksena siya sa upuan parang siya ang nauna. Feeling ko mas komportable pa ang pagkakaupo niya kesa sa akin. Nakakatulog pa nga siya eh. Samantalang ako sikip na sikip at hindi komportable. Naiisip ko, hindi naman kasi yan kung sino ang nauuna. Siguro kung sino magaling umeksena?

Hanggang sa bumaba na ako. Mas okay nga nung bumaba na ako eh. Hindi na masikip kasi hindi ko na ipinagsiksikan sarili ko. Mas malaya na ako kasi hindi na ako naiipit. Mas komportable na ako kasi wala na akong kaagaw sa kung saan ako.

Talaga nga naman mahirap ipagsiksikan ang sarili. Minsan kahit tayo pa ang nauna, naagawan pa. Tayo pa yung nahihirapan.

Kaya nga, wag na kasing sumiksik kung alam mo namang masikip.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *