Ewan ko kung anong meron sa Monday, pero itong ikukwento ko ay nangyari na naman noong Monday last week.
Ilang beses naman na tong nangyari pero parang… wala lang. May na realize lang ako noong Monday. For the nth time kasi naiwan ko na naman ang cellphone ko sa bahay. Hindi naman ako malelate noong Monday. Hindi nga ako nagmamadali eh. Pero naiwan ko pa din cellphone ko. Kadalasan kasi naiiwan ko ito kapag malelate at nagmamadali na ako.
Noong naka sakay na ako sa bus na realize ko na hindi ko pala dala. Mag fe-facebook sana kasi ako kasi traffic at ang boring. Pero alangan naman na bababa pa ako ng bus para balikan lang yun. Sabi ko sa sarili ko, “wala namang magtetext doon. Wala naman akong importanteng tawag na hinihintay”. So, okay lang.
Nang nag lunch break na, syempre pagkatapos kumain lahat talaga kami naka hawak na niyan ng cellphone para mag facebook, YouTube at kung ano ano pa diyan. Pero that time, ako walang hinahawakan. Sila, habang may pinapanood at may mga nababasa, eh tumatawa. Masaya. Ako, parang gusto ko na lang matulog. Parang nakakalungkot.
Siguro kung nakakapagsalita lang ang cellphone ko ang sasabihin niya ay: “oh ngayon, namimiss mo ako? Akala ko ba di mo ako kailangan? Maaalala mo na lang ako pag bored ka diba? Akala ko ba okay lang sayo na wala ako sa tabi mo? Hindi naman ako ganoon ka importante sayo diba? Pero ngayong wala ako, hahanap-hanapin mo? Yan tayo eh. Kung kailan mawawala ang isang tao o bagay, diyan na lang natin ma rerealize na mahalaga pala sila sa atin. So, alam mo na? Kahit hindi mo man ako kailangan sa lahat ng oras, hindi pa rin ito rason para kalimutan o iwan mo ako.”
Ang daming sinabi ano? Buti nga di siya nakakapagsalita eh.
Pero may point naman siya. Hindi porket sa tingin mo hindi mo siya kailangan, eh madali na lang sayo na kalimutan siya at hindi balikan. Paano kung may tumawag o nagtext doon at emergency (na hindi ko naman hinihingi)? Paano kung may kakailanganin ka na doon mo lang makukuha?
Kaya nga huwag tayong basta-basta makakalimot. Kung nalimutan mo man, balikan mo hanggat pwede pa. Kasi may mga bagay na pwedeng mangyari na hindi natin inaasahan dahil lang doon sa pagkalimot na iyon.