Ang Sampung Utos ni Ligaya

So, eto na. Sampung mga bagay-bagay na natutunan ko sa halos araw-araw na byahe ko sa EDSA.

1. Kumapit kang mabuti baka ikaw kasi ay ma FALL.

Oo, kumapit ka. Yung mahigpit ha. Lalo na kung ang driver ay masyadong nagmamadaling makipag meet up kay kamatayan. Kumapit ka kasi hindi mo alam kung kelan siya bigla-biglang magbe-break. Ikaw din.

2.  Sarili ay wag nang ipagsiksikan dahil sa huli ikaw din ang masasaktan.

May mga bus na punong puno na pero may mga pasahero talaga na ipagsiksikan pa ang sarili. Yung tipong nasa pinto na ang mga pisngi nila. Sige lang, kahit nasasaktan na sila. Pero ako, kahit nagmamadali man ako, pipili pa rin ako ng bus na hindi ganun ka siksikan, yung at least makaka pwesto man lang ako ng maayos kahit naka tayo. Okay na yun.

3. Kahit gaano man ngayon kasakit, sa huli makakaramdam ka din ng langit.

Naranasan mo na bang tumayo sa bus ng isang oras o mahigit? Tapos ang traffic traffic pa. Tapos may mga bumaba nga na naka upo pero hindi naman sa tapat ng tinatayuan mo kaya hindi ka rin nakaka upo. Pero yung time na finally, bababa na ang naka upo sa tapat mo at sa wakas ay makaka upo ka na.. alam mo ba ang feeling nun? Masasabi mo na lang na “haaaay. Heaven!”

4. Yung akala mong napag iwanan ka na, pero may darating pala na mas ikakasaya mo pa.

May times talaga na ang sobrang hirap sumakay ng bus. May bus nga na byahe papunta sa inyo pero punuan naman. Minsan yung mga kasabay mong nag aabang, nakasakay na. Pero ikaw di pa rin. Feeling mo napag iwanan ka na. Tapos biglang may darating na bus na kung saan makaka upo ka pa. Yung hindi na kailangang sumakit ang paa mo bago ka maka upo. Yung komportable ka. Yung sasabihin mo na lang sa sarili mo na, buti na lang nag antay ako.

5.  Wag masyong umasa, masasaktan ka lang.

One time, ako yung naka tayo sa pinaka dulo ng bus. Mas preferred ko talaga doon pumwesto pag naka tayo ako. Kasi malaki ang chance na makaka upo ako kung may isa man na bababa sa animan na upuan. Pero mahigit 30 minutes na akong nakatayo wala pa rin. Pero may nakita akong mukhang bababa. medyo patayo kasi siya tapos tumitingin kung nasaan na. Pero umayos ulit siya ng upo. Di pa pala bababa. Paasa naman si kuya. Tapos maya maya, ganun naman siya ulit akmang tatayo tapos di pa rin pala bababa. Mga apat na beses na ganun. Akala ko doon ako makaka upo pero naka upo na ako bago pa si kuyang paasa bumaba.

6. Wag kang mag alala may darating din yan.

May times na nag aantay talaga ako ng maluwag na bus pag pauwi na. Pauwi naman na kasi. Kahit late na ako maka rating sa bahay okay lang. Kasi naniniwala ako na kahit gaano man ako katagal mag aantay may darating at darating din na bus. Kahit abutin man ng madaling araw yan.

7. Pag assume ay wag dalasan baka ikaw din ang mawawalan.

Naka ilang beses na akong nag assume na may mauupuan pa ako, pero wala na pala. Nag assume ako na meron pang upuan kasi unang tingin ko mula sa labas ng bus wala namang naka tayo. Yun pala, ako yung unang tatayo. Ang sakit lang. Alam mo yun?

8. Wag mo nang habulin kung siya na mismo ang ayaw kang pansinin.

May panahon naman na gustong gusto ko nang umuwi. Kahit tayuan sa bus kasi rush hour papatusin ko na. Yung ang dami mong kaagaw para maka sakay lang. Ito namang si bus ay nagpahabol pa. Hindi huminto kahit man lang malapit sa tapat ko. Ayaw ko pa naman ang humabol. Kung ayaw niya, edi wag. Balik tayo sa learning number 6. Wag kang mag alala may darating din yan. Pero one time hinabol ko, medyo nagmamadali kasi ako nun. Nahuli ako sa paghabol kasi ayaw ko pa nga sanang humabol. Pero di na ako pinansin ni kuyang driver kasi bawal palang magsakay ng pasahero dun. Kaya ayun, walang kwenta din ang pag habol ko.

9.  Mahirap baguhin ang mga bagay na kung saan ikaw ay nasanay

Ang dati kong pinapasukan kasi nasa Ayala, kaya noong lumipat ako ng trabaho na hindi na sa Ayala ang opisina, ay sa Ayala pa din ako dumadaan kahit may ibang ruta naman na pwedeng kong daanan na sabi nila ay mas madali at malapit. Kahit nag lalakad ako ng 15 minutes every morning at amoy usok na ako pag dating sa office okay lang. Yun kasi ang nakasanayan ko at feeling ko, safe ako pag ganun. Pero never ko pang na try ang ruta na sabi nila mas madali at malapit. Ewan ko ba, pero parang takot akong mag try ng iba. Kasi nga, mahirap baguhin ang nakasanayan na. Pero baka one day susubukan ko ang another na ruta na yun at harapin na ang mga kinakatakutan ko.

10. Traffic lights ay  sundin para maiwasan na ikaw ay banggain

Alam naman natin na ang green ay go at ang red ay stop pero bakit may mga tao pa rin na tatawirin ang pedestrian sa edsa kahit naka red light pa. Stop nga diba? Hindi pwede. Bawal. Hindi maaari. Wag kasing pasaway. Pano pag may bilang humarurot na sasakyan at nabangga ka. Sino may kasalanan nun? Para safe at para maiwasan masaktan, matutong sumunod sa simpleng traffic rules naman.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *