Sanay siyang mag-isa. Mag-isang mag mall. Mag-isang kumain. Mag-isang umuwi. Mag-isang magsimba. Mag-isang gumawa ng mga bagay-bagay.
Minsan nababahala na siya na baka sa sobrang sanay niya na, eh nababaliwala niya ang mga pagkakataon na magkaroon ng makakasama.
Makakasamang magmall. Makakasamang kumain. Makakasamang umuwi. Makakasamang magsimba. Makakasamang gumawa ng mga bagay bagay.
Hindi naman porket kayang niyang mag-isa, di niya na kailangan ng makakasama. Minsan, kinakaya niyang mag-isa kasi wala naman siyang choice. At kung meron man, ayaw niya nang maka abala pa sa iba.
Yung iba siguro ang tingin nila ang tapang niya kasi nakakaya niyang mag-isa. Pero natanong niyo ba kung okay lang siya? Kasi may pagkakataon na hindi. May pagkakataon na kailangan niya rin ng karamay. Ng may masasandalan. Ng may mapagkwentohan. Ng makakasama.