​Welcome to another kwento of perstaym ni Ligaya… So tungkol saan naman to? Well, isa naman itong adventure. Adventure ng bongga. Oo, adventure kasi umuwi kami ng kuya ko not via plane but via Ro-Ro. Oh yeah Ro-Ro as in barko tapos bus tapos van. Ganern. At hindi yung Ro-Ro na naka book kami sa Ro-Ro bus, Ceres Liner, Dimple Star at kung anong bus line pa yan. Super commute kami mga dear. As in.
Last April 28 (friday) kasi ay naging holiday dito sa Manila dahil sa Asean summit. Tapos yung May 1 (monday) ay holiday naman talaga. Napag tripan namin ng kuya ko na umuwi. At dahil ang mahal mahal ng airfare, napagkasunduan naming mag ro-ro.
Na excite ako kasi pers time ko mag ro-ro at syempre kasi uuwi kami. So yun, thursday night after ng opisina dumiretso kami sa may buendia para sumakay ng bus papunta ng Batangas port. From buendia to batangas port, mga more than 3 hrs ang byahe. Umalis kami ng Buendia mga 7:30 tas nakarating kami mga 10:45. Pagdating namin, yung pila para sa barko wagas! Ang haba teh! Yung next na barko na aalis ay 12:00 am. Sa sobra haba ng pila akala ko di na kami makaka abot ng 12 na byahe. Mag tetwelve na nung nagbabayad kami for terminal fee. madaling madali kami nun. Kasi sabi ng kuya ko dapat magdali para maka pwesto ng maayos sa barko.
Mga lagpas konti ng 12 ng maka alis ang barko. Actually, di ko napansin na naglalayag na pala. haha. As in. Kasi nag CR ako tapos pag balik ko sa pwesto namin, tinatong ko kuya ko kung di pa ba aalis? Sabi niya naka alis na kanina pa. What?! Di ko napansin yun ah. haha. Mga 3 na ng nakadaong sa Calapan port sa Mindoro.
From Calapan Port nag van kami. Ang bilis ni kuya magpatakbo. Mga 4:30 nasa Roxas port Oriental Mindoro na kami. Usually daw kasi 2 hrs o mahigit yun. Pagdating namin dun wala pang bukas na mga ticketing keme. Kaya nag antay kami. Pero pumwesto na kami dun sa kinukuhanan ng ticket. Mga 6 sila nag open pero 8:00 am pa yung barko aalis. Pero mga 7:30 napsakay na sila.
From Roxas port 4 hrs mahigit ang byahe. Ang cool lang kasi nung dumaan sa bandang Boracay makikita ang mga nagpapara sailing. Haha. Naka rating kami ng Caticlan lagpas 12:00 pm na. Hindi pa kami naka daong agad kasi may barko pang naka daong dun. Lagpas na 1:00 pm kami naka daong talaga. Tapos di pa agad nakababa kasi pina una pa ang mga sasakyan. Mga 1:30 pm na kami naka baba ng barko.
Bago sumakay ng van papuntang Iloilo, bumili muna kami ng makakain kasi gutom na kami. Wala kaming pormal na kain mula pa ng nakaraang gabi. Yung byahe mula caticlan to Iloilo pag nag van is 4 hrs lang. Compared sa bus na 6 hrs.
Naka rating kami ng Iloilo ng 6:00 pm. Kumain muna kami ng Batchoy kasi gutom na talaga kami at sumakit tiyan ko. hahaha! Buti na lang may CR dun. hahaha! After namin kumain sumakay na kami ng jeep papunta sa sakayan ng bangka papunta samin.
Nakarating kami ng bahay mga 8:30 pm. Sarado na tindahan nina mama. At dahil di nila alam na uuwi kami, tinawagan ko muna siya sa cellphone. Sabi ko “Ma, pabukas ng pinto”. Sabi niya “bakit? Anong pinto?”. Sagot ko, “pinto ng bahay.”. Pero medyo malayo pa kasi kami sa pinto kaya di niya kami agad nakita. Pero binuksan niya naman. haha! Pag kita niya tuwang-tuwa siya oh. Siyempre nakita niya maganda at gwapo niyang anak eh. hahahaha! At sa sobrang tuwa nila, napa luto si papa ng adobo ng wala sa oras.
So yun. Papunta pa lang yan ha. Pero masaya na nakakapagod na nakakagutom kasi wala kaming dala na food. haha! Kung magroro-ro pa ba ako ulit? uhm.. pag iisipan ko muna. hahaha!