Itong kwento na to ay na kwento ko na ng ilang beses. Mula sa 5 branches ng bangko ko, sa CSR ng customer’s hotline nila, sa mga officemates ko, sa kuya ko at hanggang sa ate at nanay ko na ilang milya ang layo. Nawala lang naman kasi ang 2,000 pesos sa ATM account ko ng hindi ko alam kung paano. Sabi nila na debit daw ako.

Last November 28 at 29 kasi nag withdraw ako sa tatlong ATM ng magkakaibang bangko (hindi ATM ng bangko ko) pero hindi naka dispense ng pera. Sinubukan kong mag withdraw ulit noong December 2 sa isang ATM sa baba lang ng building namin (hindi rin ATM ng bangko ko). Nagdispense naman na ng pera pero nagulat ako nga nakita kong may bawas na na 2,000 pesos yung balance na nakalagay sa resibo.

Hindi ko alam ang gagawin ko nun. Paanong nangyari yun? 2,000 pesos din yun ha. Ay hindi, 2,000 pesos yuuuun! Lutang ako ng bumalik ako sa opisina. Ikinuwento ko sa officemates ko yun. Sabi nila, na debit daw ako pero mababalik din naman daw yan basta irereklamo ko lang sa bangko na kung saan ako na debit. Ang problema, hindi ko matukoy kung saang bangko ako na debit.

Kaya tinawagan ko ang customer’s hotline ng bangko ko pero ang tagal bago may maka sagot. Ilang minutes na ang naka lipas pero wala pa din kaya pinutol ko na. Cellphone kasi ang gamit ko at landline yung tinatawagan ko. Baka kasi ma shock ako pag nakita ko ang babayaran ko pagdating ng bill ko no. Sabi ko makikitawag na lang ako sa kuya ko kasi unli naman siya sa landline. Pero noong umuwi ako, wala pa siya. Nang magising na ako naka alis na siya. So yun, hindi ako nakatawag.

The next day, dapat pupuntahan ko na lang ang bangko ko pero sobrang busy namin that day kaya friday na ako naka punta. Pero apat pa na branches bago ako naka kuha ng matinong sagot. Pero hindi nga kami naka pasok sa loob ng bangko. Guard lang yung nakausap ko. Sabi niya, kailangan ko daw tawagan ang branch kung saan nag open ang account ko na yun which is in Valenzuela pa pero hindi naman ako binigyan ng phone number ng branch (hindi naman kasi ako humingi). Kaya hindi ko na tawagan that day.

Nang weekend na yun sinubukan kong tumawag ulit sa customer’s hotline. Finally, may sumagot na.  Sabi niya, kailangan ko lang daw ireport yun sa kahit saang branch (taliwas sa sinabi ng pangalawa kong naka usap) kasi sila naman yung mag cocoordinate nun sa branch sa Valenzuela.

Kaya noong monday na yun (December 7), pumunta ulit ako sa ika apat na branch na napuntahan ko last time. Pinapasok naman agad kami ng guard at pinakausap sa isang tao nila. Ikinuwento ko ang nangyari. Kaya yun, pina fill up ako ng isang form. Yun daw ang ibibigay nila sa ATM center kung saan pina process ang mga na debit. Mga 3 to 5 days daw yun. Tawagan ko na lang daw ang Valenzuela branch if na credit na sakin yung 2,000 ko o icheck ko na lang once in awhile. After  three days, tinawagan ko ang Valenzuela office. Sabi ng naka usap ko, hindi pa daw na cecredit sa akin. Mas okay daw kung irereport ko din daw yun sa bangko kung saan ako na debit. Pero nga diba, hindi ko alam kung saling bangko. Tawag na lang daw ako after 10 mins kasi ichecheck niya yung activity ng account ko. Noong tumawag ako ulit, natukoy na kung saan ako na debit.

Kaya the next day, pinuntahan ko ang branch ng bangko na yun (ibang bangko to). Pina fill up ulit ako ng form na parehas sa finill up ko doon sa bangko ko. Sabi pa ng naka usap ko, bakit that day ko lang daw inireport. Actually inireport ko naman agad diba? (Well, after two days?) Check ko na lang daw ulit after 3 to 5 days. 3 to 5 days na naman? Paulit ulit na lang ba ako maghihintay? Hai.

Okay, so nag antay ako ng apat na araw para sure. Pag check ko noong thursday (December 17) pumasok na yung 2,000 pesos. Ang sayaaaaa!

Sa wakas bumalik din ang para sa akin. Ang dami mang proseso ang napag daanan pero at least bumalik diba? Dahil kung para sayo yun, babalik at babalik yun.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *