Eto kasi yun… May mga pangyayari talaga sa ating buhay na hindi natin inaasahan. Minsan mapapasama nalang natin ito sa listahan ng Embarrassing Moments natin. Kung embarrassing moments lang naman ang pag-uusapan medyo marami na ako nun. Pero wag naman sana madagdagan ano? So eto yung ilan sa mga iyon:

Una, tumayo ako para sa isang recitation pero hindi pala ako ang tinawag. (Ay sorry, feeling ko talaga na tama sagot ko eh). Kakalipat ko lang noon sa section na yun noong highschool at syempre di pa ako close sa mga kaklase ko dun. Noong may tinawag ang teacher namin para mag recite, akala ko ako yung tinuro niya. Yun pala yung nasa likod ko. Pasensya… mula noon assuming talaga ako. Haha! Kaya yun, pinagtawan nila ako. Naisip ko noon, ang sama naman nila kasi konting pagkakamali tatawanan na agad? Pero siguro nasanay lang ako na mas seryoso ang mga kaklase ko sa dati kong section. Pero sa kalaunan napagtanto ko na medyo maloko lang talaga sila. At noong huli nasasakyan ko na rin mga trip nila.

Pangalawa, nadapa ako sa harap ng isang mall. As in nadapa! Buti na lang maaga pa nun at hindi pa bukas ang mall kaya wala pa masyadong tao. Ang mga nakakita lang naman ay ang mga pedicab drivers. Pero kahit na. Ang laki ko na pero nadapa pa ako? Ano ba yan? Tinanong pa nga ako ng isang kuya na “Okay ka lang?” At least concerned pa si kuyang pedicad driver ha.

Pangatlo, nahulog ako sa upuan sa canteen. Well, mejo tanga lang. Malay ko bang sira yung upuan? Hindi nakita ng mga kasabay kong umupo na nahulog ako. Nakita na nila noong patayo na ako. Pero ang nakita ko lang na nakakita sa pagkahulog ko ay ang isa kong kaklase. Medyo natawa pa nga siya (nahiya lang siguro pagtawanan ako ng malakas). Pero canteen pa din yun! Di ko lang alam kung ilan pa ang nakakita sa pagkahulog ko na yun. Kaya mula noon, chini-check ko muna ang upuan doon sa canteen bago ako umupo.

Pang apat, dinumihan ako ng kalapati sa balikat. Sa lahat ba naman ng tao sa building na yun sa school noong college, ako talaga ang napag tripan ng kalapati na yun na paglagyan ng dumi niya ano? Kakatapos lang nun ng last exam namin para sa sem na yun at inaantay na lang namin sa labas ng room ang iba pa naming friends na hindi pa tapos sa exam. Nagulat na lang ako na may tumulo sa balikat ko na mainit at may amoy. Yaaaah! Like seriously! May mga kalapati kasi na tumatambay sa ibabaw ng building na yun. Hindi ko pa alam ang gagawin ko nun. Kung tatakbo ba ako o itatago ko mukha ko. Ang dami dami kasing mga estudyante din nasa sa labas na ng mga classroom at yung iba ka department pa namin. Buti na lang may dala akong extrang damit at sinamahan ako ng kaibigan ko pumunta sa CR.

Pang lima, nagbayad gamit ang SM Advantage Card imbes na Smart Money. Parehas kasi ang kulay ng dalawa, kaya nung kinuha ko sa wallet ko, akala ko Smart Money ko ang nadampot ko. Hindi pala. Na realize ko na lang na mali pala ang nadampot ko noong nagbabayad na ako sa counter at sinabihan ako ng cashier na “Ma’am SM advantage card po yan”. Nakakaloka! May mga naka pila pa naman sa likod ko na nakita ng pangyayaring yun. Hiyang-hiya ako noon pero tinawanan ko na lang. Buti na lang may kasama ako nun at siya muna ang nagbayad sa binili ko. At habang kumakain, nakita kong nasa ID holder ko lang pala ang Smartmoney ko. *sigh*
So top 5 lang muna. May iba pa actually at yung ilan doon ay ako lang nakaka alam (I think?). Pero sa mga embarrassing moments ko na to, may mga natututunan naman ako. At every time na naaalala ko ang mga to, natatawa na lang ako. Okay lang yun. Minsan lagyan naman natin ng comedy ang buhay natin kahit medyo kahihiyan na yung iba. Haha!

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *