Mula pa sa previous work ko meron talaga akong stock na candies sa desk. Pero sa work ko ngayon, dati naka tago lang sa moving cabinet ko yan. Di naman sa nagdadamot ako, pero Wala kasing space sa dating kong pwesto. May mga telepono and all kasi.
Pero last week pinalitan ko ang lagayan ng mas malaki tapos nag lagay ako ng chocolate. Flat Tops lang naman. Tapos nilabas ko na kasi nung di ko nilalabas ang tagal bago maubos. Nakaka abot ata ng dalawang buwan kasi di naman lahat alam na may candies ako. Sa takot ko na baka ma expire lang, nilabas ko na. Charot! Hindi naman sa ganun… haha!
So yun, kuha all you want lang. Naniniwala kasi akong it’s better to give than to receive. Ganern! Haha! Pantawid gutom din yun ha…
Tapos one time, yung kakilala kong taga HR pumunta dun samin tapos nakita niya yung candies at chocolates. Sabi niya “Ang dami mo namang chocolates. May nag bigay?”. Hala siya! Sagot ko sa kanya, “Di po. Binili ko Ma’am. Pag wala kasing mag bibigay, bilhan mo ang sarili mo.” Haha. Di naman ako galit niyan. Pa joke ko namang sinabi yan ha. haha.
Naalala ko tuloy yung Valentine’s Day 3 years ago. Nasa first work ko ako nun at may pasok that time. Lima kaming magka close dun. Yung dalawa lang ang may boyfriend that time tapos yung isa sa kanila sabi niya di naman ramdam ng jowa niya ang valentines. kaya naka isip kami ng napaka lupet na idea! haha! Bibilhan namin ang isa’t-isa ng chocolates! haha! Oh diba, kung walang magbibigay, kunchabahin mo ang iba para bigyan ka rin nila. hahahaha! At yun ata ang first valentines na naka tanggap ako ng chocolates. haha! (Kasi usually bahay at lupa. charot!)
Pero bakit ba kasi parang ang big deal ng valentines? Wala nga akong paki alam diyan actually. hahaha! Hala siya. Nagbibitter na naman si ateng! lol.
Oh ayan, mag vavalentines na naman at may pasok. Wala ata akong kakunchaba ngayon para bilhan ako ng chocolates ah.. haha! Pero okay lang, di naman ako mahilig dun. Bahay at lupa talaga hilig ko. Joke! hahahaha 😀