Kaninang umaga may nagtext na kaibigan ko at tinatanong if naniniwala ako na “sometimes running away is a solution”.
Ano ba yan! Umagang umaga kung maka tanong naman to?!
Anyway, sinagot ko naman ang tanong niya. Pero hindi din ako sure sa sagot ko actually. Sabi ko kasi depende naman kasi yan sa sitwasyon. (hindi ko lang talaga alam ang tamang sagot sa tanong na yun. Playing safe ba ako? haha! )
Siya kasi, feeling niya moving in a new place and having a new environment would make him a better person. Pag nandiyan kasi siya sa kung saan man siya ngayon sa tingin niya hindi siya magbabago. Kaya kailangan at gusto niyang umalis.
Is he being a coward? For me, he’s not. I think gusto niya lang magsimula ulit. Knowing some of the trials in his life, siguro napagod na din siya. Kasi alam niya naman na may mga kasalanan naman siya sa mga nangyari sa buhay niya.
Pero hindi ko pa talaga alam ang sagot sa tanong niya na yun. hanggang ngayong pinag iisipan ko pa. haha!