Lista

Noong nakaraan nag ayos ako ng mga kalat ko. May nakita akong lista sa isang notebook ng mga gusto kong bilhin at gawin noong 2019. Every patapos kasi ng isang taon naglilista ako ng mga gusto kong bilhin at gawin for the next year. Parang goals ko na rin for the upcoming year.

Pero hindi lahat na nandoon sa lista ay nagawa at nabili ko noong 2019. May mga nasakatuparan naman that year. Pero ang iba doon nagawa o nabili ko na ngayong 2020.

Kaya naisip ko na hindi man nangyari ang isang bagay sa gusto nating panahon pero mangyayari at mangyayari ito hanggat gusto natin ito mangyari. Oh diba, may mga goals akong na unlock this year.

Sa panahon ngayon na may pandemic, marami tayong mga gala, events, at okasyon na hindi na tuloy. Pero pasasaan bat mangyayari din ang lahat ng yun. Sa takdang panahon nga ika ni Big Brother.

Revisit

Recently I have to revisit a project that I have already tested about two years ago. That was one of the first projects that I handled. That time, I have limited knowledge about the job. That project was not implemented two years ago because of some concerns. Now it is being retested for implementation.

In the tests I did this time, I realized that I have missed some things that should be tested and should be considered. Though, those were not major issues but still are issues.

I told my self “Bata ka pa kasi nun. At wala ka pa masyadong alam”. Palusot ka pa self (haha!). But somehow true.

Well, it’s like life. As time goes by you will learn more and more about life. You will not commit the same mistakes again because you’ve learned from them. You have better idea on what to do.

Hi der Pans!

So na realize ko lang… Ang konti ng na post ko dito last year. Busy si ateng? Haha!

Siguro less na kasi yung time na mag isa ako. Di na nakakabuo ng mga hugot na wala namang napang huhugutan. Haha. Pero madami akong kwento. Di ko lang nasusulat. Minsan may mga nabubuo ako sa utak ko habang nasa bus. Di ko lang nasusulat. May mga poems akong nasusulat. Di ko lang pinopost. For some people’s eyes only. Ganern!

Pero try kong magsulat more dito this year. As if naman maraming nagbabasa dito. Haha! Hi pala sa 3 na nagbabasa dito. Oh ha! Haha

Tsokolate ?

​Mula pa sa previous work ko meron talaga akong stock na candies sa desk. Pero sa work ko ngayon, dati naka tago lang sa moving cabinet ko yan. Di naman sa nagdadamot ako, pero Wala kasing space sa dating kong pwesto. May mga telepono and all kasi.

Pero last week pinalitan ko ang lagayan ng mas malaki tapos nag lagay ako ng chocolate. Flat Tops lang naman. Tapos nilabas ko na kasi nung di ko nilalabas ang tagal bago maubos. Nakaka abot ata ng dalawang buwan kasi di naman lahat alam na may candies ako. Sa takot ko na baka ma expire lang, nilabas ko na. Charot! Hindi naman sa ganun… haha!

So yun, kuha all you want lang. Naniniwala kasi akong it’s better to give than to receive. Ganern! Haha! Pantawid gutom din yun ha… 

Tapos one time, yung kakilala kong taga HR pumunta dun samin tapos nakita niya yung candies at chocolates. Sabi niya “Ang dami mo namang chocolates. May nag bigay?”. Hala siya! Sagot ko sa kanya, “Di po. Binili ko Ma’am. Pag wala kasing mag bibigay, bilhan mo ang sarili mo.” Haha. Di naman ako galit niyan. Pa joke ko namang sinabi yan ha. haha.

Naalala ko tuloy yung Valentine’s Day 3 years ago. Nasa first work ko ako nun at may pasok that time. Lima kaming magka close dun. Yung dalawa lang ang may boyfriend that time tapos yung isa sa kanila sabi niya di naman ramdam ng jowa niya ang valentines. kaya naka isip kami ng napaka lupet na idea! haha! Bibilhan namin ang isa’t-isa ng chocolates! haha! Oh diba, kung walang magbibigay, kunchabahin mo ang iba para bigyan ka rin nila. hahahaha! At yun ata ang first valentines na naka tanggap ako ng chocolates. haha! (Kasi usually bahay at lupa. charot!)

Pero bakit ba kasi parang ang big deal ng valentines? Wala nga akong paki alam diyan actually. hahaha! Hala siya. Nagbibitter na naman si ateng! lol. 

Oh ayan, mag vavalentines na naman at may pasok. Wala ata akong kakunchaba ngayon para bilhan ako ng chocolates ah.. haha! Pero okay lang, di naman ako mahilig dun. Bahay at lupa talaga hilig ko. Joke! hahahaha πŸ˜€

Walang Taxi Teh!

May time nung last year at netong year na parang ginusto ko na talagang maging in a relationship ang status ko. Oo, ginusto ko nang magka jowa. like, seriously! Haha. Pero wala eh. Siguro plano na rin yun ni Lord.

Then na realize ko ngayon bakit ko ba na isip yun? Nagmamadali? May nag aantay na taxi Teh? Desperate times na ba? Di naman ata ako nainggit sa iba na may jowa. Though nagbibitter minsan sa mall pag may couple na naglalakad sa harap ko na sweet na sweet. Alam mo yun? Kainis eh. Joke. Haha

Pero sa ngayon, parang mas gusto kong magparami muna ng pera (wahahaha!) at mag travel! Parang andami ko na ngang naiisip na puntahan. Travel with family, travel with friends at travel alone! Sana talaga ma achieve ko na yang travel alone next year.

Happy naman ako sa life ko ngayon eh. Walang halong echos to. Maganda naman takbo ng work ko na sana magtuloy tuloy. I’ve got bunch of great friends na dito sa Manila. Healthy ako at ang family ko. Okay na ako dun.

Pero kung may darating man, aarte pa ba ako? Maganda lang? Haha. Pero depende din. Charot! (Nagmamaganda talaga si ateng!)

Hindi Sweet, Thoughtful lang

Noong birthday ko may nag greet sa akin at ang sabi I’m one of the sweetest persons na kilala niya. Kokontrahin ko sana ang sinabi niyang yun pero dahil birthday ko, nag thank you na lang ako. (Ano yun? Birthday na birthday maldita?) haha!

Pero ito lang ang masasabi ko:

Hindi ako sweet, thoughtful lang.

Ano ba ang pinag kaiba nun? Ayon Kay Tita Merriam ang Merriam Webster Dictionary ang sweet is defined as very gentle, kind, or friendly. Samantala ang thoughtful naman ay defined as showing concern for the needs or feelings of other people. So base sa definition na to thoughtful lang talaga ako. Hindi ako sweet.

Wala ata sa katawan ko ang pagiging sweet eh. May concern lang ako pero hanggang doon lang yun. Wala na yung pagiging gentle, kind o friendly. Basta, hindi ako sweet. Period.

Hindi ata ako marunong maging sweet. Natuturo ba yun? Magpapaturo sana ako. Para saan? Well, sabihin na lang natin na para sa future use. ?

Independent

Sanay siyang mag-isa. Mag-isang mag mall. Mag-isang kumain. Mag-isang umuwi. Mag-isang magsimba. Mag-isang gumawa ng mga bagay-bagay.

Minsan nababahala na siya na baka sa sobrang sanay niya na, eh nababaliwala niya ang mga pagkakataon na magkaroon ng makakasama.

Makakasamang magmall. Makakasamang kumain. Makakasamang umuwi. Makakasamang magsimba. Makakasamang gumawa ng mga bagay bagay.

Hindi naman porket kayang niyang mag-isa, di niya na kailangan ng makakasama. Minsan, kinakaya niyang mag-isa kasi wala naman siyang choice. At kung meron man, ayaw niya nang maka abala pa sa iba.

Yung iba siguro ang tingin nila ang tapang niya kasi nakakaya niyang mag-isa. Pero natanong niyo ba kung okay lang siya? Kasi may pagkakataon na hindi. May pagkakataon na kailangan niya rin ng karamay. Ng may masasandalan. Ng may mapagkwentohan. Ng makakasama.

Relo

Wala na naman pala akong relo. Nasira kasi ang strap ng relo na bigay ng ate ko. Nasira na yun dati. Inayos ko lang. Nilagyan ko lang ng super glue. Akala okay na siya. Pero nasira ulit ngunit this time di na talaga siya maaayos. Gumagana pa naman siya sana kaso di ko na talaga masusuot. Sayang naman.

Dati di naman talaga ako nagsusuot ng relo. Pero nung may nag regalo sakin ng relo tapos di gumana ng kalaunan parang di na ako sanay na walang relo. Parang may kulang. Palagi akong tumitingin sa wrist ko para tignan ang oras pero wala na pala akong relo. Nasanay na kasi akong meron.

Kaya ng mga sumunod na mga pasko at birthday ko ang gusto ko nang regalo ay relo. Kahit mumurahin pa yan okay lang. Di na kasi ako sanay na walang relo. Pero siyempre pagmura mas mabilis siyang masira. Pero ang sunod Kong bibilhin niyan yung mumurahin pa rin. Sabi ko kasi okay naman kahit mumurahin. Parehas pa din naman ang takbo ng oras niyan…

Pero matapos masira ng huling relo ko na to, napaisip ako na itry yung mahal. Baka lang naman mas magtagal. ?

Ang Sampung Utos ni Ligaya

So, eto na. Sampung mga bagay-bagay na natutunan ko sa halos araw-araw na byahe ko sa EDSA.

1. Kumapit kang mabuti baka ikaw kasi ay ma FALL.

Oo, kumapit ka. Yung mahigpit ha. Lalo na kung ang driver ay masyadong nagmamadaling makipag meet up kay kamatayan. Kumapit ka kasi hindi mo alam kung kelan siya bigla-biglang magbe-break. Ikaw din.

2.  Sarili ay wag nang ipagsiksikan dahil sa huli ikaw din ang masasaktan.

May mga bus na punong puno na pero may mga pasahero talaga na ipagsiksikan pa ang sarili. Yung tipong nasa pinto na ang mga pisngi nila. Sige lang, kahit nasasaktan na sila. Pero ako, kahit nagmamadali man ako, pipili pa rin ako ng bus na hindi ganun ka siksikan, yung at least makaka pwesto man lang ako ng maayos kahit naka tayo. Okay na yun.

3. Kahit gaano man ngayon kasakit, sa huli makakaramdam ka din ng langit.

Naranasan mo na bang tumayo sa bus ng isang oras o mahigit? Tapos ang traffic traffic pa. Tapos may mga bumaba nga na naka upo pero hindi naman sa tapat ng tinatayuan mo kaya hindi ka rin nakaka upo. Pero yung time na finally, bababa na ang naka upo sa tapat mo at sa wakas ay makaka upo ka na.. alam mo ba ang feeling nun? Masasabi mo na lang na “haaaay. Heaven!”

4. Yung akala mong napag iwanan ka na, pero may darating pala na mas ikakasaya mo pa.

May times talaga na ang sobrang hirap sumakay ng bus. May bus nga na byahe papunta sa inyo pero punuan naman. Minsan yung mga kasabay mong nag aabang, nakasakay na. Pero ikaw di pa rin. Feeling mo napag iwanan ka na. Tapos biglang may darating na bus na kung saan makaka upo ka pa. Yung hindi na kailangang sumakit ang paa mo bago ka maka upo. Yung komportable ka. Yung sasabihin mo na lang sa sarili mo na, buti na lang nag antay ako.

5.  Wag masyong umasa, masasaktan ka lang.

One time, ako yung naka tayo sa pinaka dulo ng bus. Mas preferred ko talaga doon pumwesto pag naka tayo ako. Kasi malaki ang chance na makaka upo ako kung may isa man na bababa sa animan na upuan. Pero mahigit 30 minutes na akong nakatayo wala pa rin. Pero may nakita akong mukhang bababa. medyo patayo kasi siya tapos tumitingin kung nasaan na. Pero umayos ulit siya ng upo. Di pa pala bababa. Paasa naman si kuya. Tapos maya maya, ganun naman siya ulit akmang tatayo tapos di pa rin pala bababa. Mga apat na beses na ganun. Akala ko doon ako makaka upo pero naka upo na ako bago pa si kuyang paasa bumaba.

6. Wag kang mag alala may darating din yan.

May times na nag aantay talaga ako ng maluwag na bus pag pauwi na. Pauwi naman na kasi. Kahit late na ako maka rating sa bahay okay lang. Kasi naniniwala ako na kahit gaano man ako katagal mag aantay may darating at darating din na bus. Kahit abutin man ng madaling araw yan.

7. Pag assume ay wag dalasan baka ikaw din ang mawawalan.

Naka ilang beses na akong nag assume na may mauupuan pa ako, pero wala na pala. Nag assume ako na meron pang upuan kasi unang tingin ko mula sa labas ng bus wala namang naka tayo. Yun pala, ako yung unang tatayo. Ang sakit lang. Alam mo yun?

8. Wag mo nang habulin kung siya na mismo ang ayaw kang pansinin.

May panahon naman na gustong gusto ko nang umuwi. Kahit tayuan sa bus kasi rush hour papatusin ko na. Yung ang dami mong kaagaw para maka sakay lang. Ito namang si bus ay nagpahabol pa. Hindi huminto kahit man lang malapit sa tapat ko. Ayaw ko pa naman ang humabol. Kung ayaw niya, edi wag. Balik tayo sa learning number 6. Wag kang mag alala may darating din yan. Pero one time hinabol ko, medyo nagmamadali kasi ako nun. Nahuli ako sa paghabol kasi ayaw ko pa nga sanang humabol. Pero di na ako pinansin ni kuyang driver kasi bawal palang magsakay ng pasahero dun. Kaya ayun, walang kwenta din ang pag habol ko.

9.  Mahirap baguhin ang mga bagay na kung saan ikaw ay nasanay

Ang dati kong pinapasukan kasi nasa Ayala, kaya noong lumipat ako ng trabaho na hindi na sa Ayala ang opisina, ay sa Ayala pa din ako dumadaan kahit may ibang ruta naman na pwedeng kong daanan na sabi nila ay mas madali at malapit. Kahit nag lalakad ako ng 15 minutes every morning at amoy usok na ako pag dating sa office okay lang. Yun kasi ang nakasanayan ko at feeling ko, safe ako pag ganun. Pero never ko pang na try ang ruta na sabi nila mas madali at malapit. Ewan ko ba, pero parang takot akong mag try ng iba. Kasi nga, mahirap baguhin ang nakasanayan na. Pero baka one day susubukan ko ang another na ruta na yun at harapin na ang mga kinakatakutan ko.

10. Traffic lights ay  sundin para maiwasan na ikaw ay banggain

Alam naman natin na ang green ay go at ang red ay stop pero bakit may mga tao pa rin na tatawirin ang pedestrian sa edsa kahit naka red light pa. Stop nga diba? Hindi pwede. Bawal. Hindi maaari. Wag kasing pasaway. Pano pag may bilang humarurot na sasakyan at nabangga ka. Sino may kasalanan nun? Para safe at para maiwasan masaktan, matutong sumunod sa simpleng traffic rules naman.

Kausap for Rent

Ewan ko kung ako lang, pero may mga panahon talaga na gusto kong magkwento ng mga nangyari, nangyayari at mangyayari sa buhay ko pero wala akong mapag kwentohan.

Siguro pwede naman akong mag kwento sa ate at nanay ko o sa mga malalapit kong kaibigan pero naiisip ko baka busy sila. Baka di naman sila interesado sa ikukwento ko.

Kaya minsan isinusulat ko na lang. At least may nalalabasan ako ng mga kwento na nasa utak ko lang. May mga panahon din na gustong gusto ko nang magkwento pero pinipigilan ko na lang. Mga kwentong maliliit na bagay lang naman.

Yung nakatulog ako sa bus tapos may times na nasasandalan ko ang katabi Kong babae tapos naiirita na siya sa kakasandal ko. Yung nagising ako sa alarm ko ng 5:30 am pero nakatulog ako ulit at nagising ng 6:40 at naka alis ng 6:55 am pero di pa din na late. Yung tinatamad na akong lumabas para kumain kaya nag pancit canton na lang ako…

Hay. Ang drama naman. Pero okay lang. Okay pa naman ako. πŸ™‚