My 2017

Just like 2016, madami ding ganap ang 2017 ko. Though hindi nga lang siya katulad ng 2016 na halos every month may event o gala. Pero yung 2017, mas may major ganaps!

Noong February 2017 umakyat ulit ako ng bundok. That time kasama ang Team Bully! Pero di kami kompleto. May mga nakasama nga lang kaming ibang friends. Doon kami sa Mt. Batolusong. Makikita daw doon ang pinapangarap kong sea of clouds. Pero noong pumunta kami sea of fog lang nakita ko. Sad. Pero happy pa rin kasi naka akyat ako ulit ng bundok! Yes naman!

First time ko mag RoRo last April-May 2017. Yes April hanggang May. Umalis kasi kami dito katapusan ng April pa at nakabalik kami May na. Kasama ko kuya ko nun na sanay na sanay sa pag ro-RoRo. Di pa ako nun nakapasok pag balik kasi na delay kami. Super commute kasi kami. As in di kami kumuha ng ticket prior sa day(s) ng “float” namin. Sa mga port na kami bumibili. Kaya nung nasa port na kami ng Mindoro na papunta na ng Batangas, besh! Wagas ang pila besh! Inabot kami ng alas dos ng madaling araw sa pila. Kaya yun, delayed ang dating sa Manila.

Last June 2017 naman ikinasal ang ate ko. Naging Mrs. Touch na siya officially! Ako ang maid of honor syempre. Wala siyang choice eh. Haha! Ako yung maid of honor na di naman naging maid. Wala kasi ako dun samin the whole preparation for the wedding. Kapal ng mukhaaaaa. Haha! Sorry naman… work eh. Haha!

June 2017 din grumaduate kuya ko sa Masteral niya. More than 2 years niya rin yun trinabaho. Halos 3 hours lang tulog niya every time may tinatapos siyang paper. Saksi ako dun. Pumunta dito sina mama at papa para umattend ng graduation niya. Clap clap to my kuya!

Yung mga gala naman.. nagpunta ng iba’t-ibang food parks, nag National Museum kami noong July, nag Pinto Art Museum kami noong first week ng November at nag Pandin Lake kami netong November 30.

Umuwi ako for Christmas pero bumalik din nung 27 kasi may trabaho. 4 days lang ako samin pero keri na rin..

At kung sa last blog ko for 2016 eh parang wala akong paki alam kung magka love life man ako o hindi sa 2017, well.. haha! Nagka love life ako besh! Naniniwala na tuloy ako na “wag mo hanapin kasi kusang darating”. Ganern!

So, medyo nahigitan ni 2017 si 2016. Kaya 2018, alam mo na ha… Magpakitang gilas din uy! Let’s do this!

Uulit ka pa?

​Welcome to another kwento of perstaym ni Ligaya… So tungkol saan naman to? Well, isa naman itong adventure. Adventure ng bongga. Oo, adventure kasi umuwi kami ng kuya ko not via plane but via Ro-Ro. Oh yeah Ro-Ro as in barko tapos bus tapos van. Ganern. At hindi yung Ro-Ro na naka book kami sa Ro-Ro bus, Ceres Liner, Dimple Star at kung anong bus line pa yan. Super commute kami mga dear. As in.

Last April 28 (friday) kasi ay naging holiday dito sa Manila dahil sa Asean summit. Tapos yung May 1 (monday) ay holiday naman talaga. Napag tripan namin ng kuya ko na umuwi. At dahil ang mahal mahal ng airfare, napagkasunduan naming mag ro-ro.

Na excite ako kasi pers time ko mag ro-ro at syempre kasi uuwi kami. So yun, thursday night after ng opisina dumiretso kami sa may buendia para sumakay ng bus papunta ng Batangas port. From buendia to batangas port, mga more than 3 hrs ang byahe. Umalis kami ng Buendia mga 7:30 tas nakarating kami mga 10:45. Pagdating namin, yung pila para sa barko wagas! Ang haba teh! Yung next na barko na aalis ay 12:00 am. Sa sobra haba ng pila akala ko di na kami makaka abot ng 12 na byahe. Mag tetwelve na nung nagbabayad kami for terminal fee. madaling madali kami nun. Kasi sabi ng kuya ko dapat magdali para maka pwesto ng maayos sa barko.

Mga lagpas konti ng 12 ng maka alis ang barko. Actually, di ko napansin na naglalayag na pala. haha. As in. Kasi nag CR ako tapos pag balik ko sa pwesto namin, tinatong ko kuya ko kung di pa ba aalis? Sabi niya naka alis na kanina pa. What?! Di ko napansin yun ah. haha. Mga 3 na ng nakadaong sa Calapan port sa Mindoro.

From Calapan Port nag van kami. Ang bilis ni kuya magpatakbo. Mga 4:30 nasa Roxas port Oriental Mindoro na kami. Usually daw kasi 2 hrs o mahigit yun. Pagdating namin dun wala pang bukas na mga ticketing keme. Kaya nag antay kami. Pero pumwesto na kami dun sa kinukuhanan ng ticket. Mga 6 sila nag open pero 8:00 am pa yung barko aalis. Pero mga 7:30 napsakay na sila.

From Roxas port 4 hrs mahigit ang byahe. Ang cool lang kasi nung dumaan sa bandang Boracay makikita ang mga nagpapara sailing. Haha. Naka rating kami ng Caticlan lagpas 12:00 pm na. Hindi pa kami naka daong agad kasi may barko pang naka daong dun. Lagpas na 1:00 pm kami naka daong talaga. Tapos di pa agad nakababa kasi pina una pa ang mga sasakyan. Mga 1:30 pm na kami naka baba ng barko.

Bago sumakay ng van papuntang Iloilo, bumili muna kami ng makakain kasi gutom na kami. Wala kaming pormal na kain mula pa ng nakaraang gabi. Yung byahe mula caticlan to Iloilo pag nag van is 4 hrs lang. Compared sa bus na 6 hrs. 

Naka rating kami ng Iloilo ng 6:00 pm. Kumain muna kami ng Batchoy kasi gutom na talaga kami at sumakit tiyan ko. hahaha! Buti na lang may CR dun. hahaha! After namin kumain sumakay na kami ng jeep papunta sa sakayan ng bangka papunta samin. 

Nakarating kami ng bahay mga 8:30 pm. Sarado na tindahan nina mama. At dahil di nila alam na uuwi kami, tinawagan ko muna siya sa cellphone. Sabi ko “Ma, pabukas ng pinto”. Sabi niya “bakit? Anong pinto?”. Sagot ko, “pinto ng bahay.”. Pero medyo malayo pa kasi kami sa pinto kaya di niya kami agad nakita. Pero binuksan niya naman. haha! Pag kita niya tuwang-tuwa siya oh. Siyempre nakita niya maganda at gwapo niyang anak eh. hahahaha! At sa sobrang tuwa nila, napa luto si papa ng adobo ng wala sa oras.

So yun. Papunta pa lang yan ha. Pero masaya na nakakapagod na nakakagutom kasi wala kaming dala na food. haha! Kung magroro-ro pa ba ako ulit? uhm.. pag iisipan ko muna. hahaha!

May bago na!

Last year sabi ko dapat may gawin akong bago this year. Yung di ko pa nagagawa ever. Para maiba naman… Guess what, meron na! Alam mo kung ano yun? Siyempre hindi mo alam. ?

Simpleng bagay lang naman to. At buti na lang may kasama ako sa pagawa  neto. Haha! Kala mo kung ano eh no? Nag iba na ako ng dinadaanan pauwi! Ang dating 9:30 na dating ko sa bahay, naging 8:30 na lang! Ang saya diba? Isang episode din ng koreanovela yun. Joke. ? Pero natutuwa talaga ako…

Dati pa ako sinasabihan ng iba kong officemates na doon dumaan kasi mas madali at malapit. Pero di ako dumadaan doon kasi di yun ang nakasanayan kong daan at ang dilim ng bus stop dun no. Katakot lang. Pero netong 1st week ata ng January yun may officemate akong nakasabay mag out na doon dumadaan. Niyaya niya akong doon dumaan kasi nga daw mas madali yun. Eh dahil may kasama naman ako edi tinry ko. So yun nga! Ang saya kasi kahit 7:00 PM na ako nag out, 8:30 PM nasa bahay na ako! 

So kailangan ko pa talagang ma experience bago maniwala eh no? Dapat pala matagal ko nang ginawa. Tigas kasi ng ulo ko eh. Haha. 

Ngayon kahit wala na akong kasabay doon pa din ako dumadaan. Tipid sa oras eh. At di na ako naglalakad ng malayo. Kahit medyo madilim dun, nakaka sakay naman ako agad ng bus. Pagnatagalan man sa susunod, hahawak na ako sa ballben at perfume ko pang depensa. Haha! 

Next na target, yung papasok naman! Mga next month naman yun. Isa isa lang. ?

My 2016

2017 na! Akalain mo yun oh! Parang ang bilis ng 2016 para sa akin. Yung parang natulog lang ako tapos pagkagising ko 2017 na. Charot! Pero as I look back sa mga post at mga pictures ko for 2016, na realize ko na ang dami ko palang ganap last year. 

Mula sa pagkaroon ko ng new work noong January na nagbigay sakin ng opportunity na ma meet ang mga bagong kaibigan at katrabaho. Ang dami ko talagang natutunan sa work ko ngayon. Example na diyan ang pagiging mabait at kalmado kahit ang sarap nang pektusan ang kausap mo. Joke! Bonus pa yung inoffer sakin ang isang posisyon na never ko namang pinangarap pero gustong-gusto ko na ngayon. Thank you Lord!

Dahil hindi ako naka uwi ng Holyweek nong March, pumunta na lang ako kina tita sa sumama sa kanila mag Visita Iglesia. Pumunta kami doon sa Regina Rica sa Rizal. Ang ganda mag nilay nilay dun. Dinaanan na din namin ang windmill farm sa Taytay.

Namundok ulit ako noong April. That time sa Mt. Daraitan naman sa Rizal pa rin. Kasama ko ang mga former officemates ko. Proud talaga ako na na survive namin yun kahit na all girls kami at wala pang matinong breakfast. Jusme! Mas madali siyang akyatin kesa sa Mt. Pamintinan pero kasi di kami nag breakfast! Bat kasi di namin naisip mag breakfast nun? Kumain lang kami ng sandwich sa taas kaya pagbaba namin parang mahihimatay na kami. 

Noong April din ikinasal si ate Michelle, unang apo/cousin sa mother side na ikinasal. Naging mini reunion na din yung kasal kaso wala sina mama nun kasi may seminar ata siya nun. Nung April din nag start magpagawa ng bagong bahay namin sa province. Tapos same month, first time kong pumuntang Subic ng dahil sa company outing. 

Hindi talaga ako dapat uuwi ng May. Pero uuwi kuya ko nun para bomoto sa election. Tapos na mention ko kina mama na gusto ko din sanang umuwi pero wala sa budget (nagparinig lang wh no? haha). Sakto naman noong last week ng April nagka pera ako. Tapos sabi ng ate ko siya na daw bahala sa one way ko (I love you talaga dai!). Edi di na ako umarte, kaya naka uwi ako noong May.

First time ko namang mag Star City noong June. Kasama ko ulit mga former officemates ko. Nag rides all you can kami. Nahilo, nagutom, humugot. Ang dami naming nabuong hugot dun. haha! Pero masaya grabe. Noon ko lang na realize, ang saya pa sumakay ng rides. haha!

Last July naman, pa birthday na rin siguro ng kuya ko para sa akin, binili niya ang domain ko na to para sa blog ko. Ang saya! Siya pa nag bayad. Mabait talaga kuya ko di lang halata. Haha!

Dahil nalipat ako ng posisyon, kailangan may pumalit sa posisyon ko na existing kaya nerecommend ko ang dati kong officemate na mag e-end na ng contract doon. Okay lang naman daw sabi ng HR. Nag start siya noong August.  Mas okay na may kapalitan na ako. Kasi nung wala pa, umaabot ako ng 8:00 pm sa pag uwi kasi ginagawa ko na mga gawain ko sa bagong position plus mga gawain ko pa sa current position. Kaya yun, nung dumating siya thankful talaga ako.

Noong September  naman wala masyadong ganap. Nagkasakit kasi ako sa month na to. After a long time nagka lagnat ako. Yung mali ko lang dun, hindi ako kumakain. Wala kasi akong gana kaya nanghina ako ng bongga. Tatlong araw din akong naka leave nun. Iba pa rin yung may nag aalaga sayo pag may sakit ka (nanay ko ang mini-mean ko ha). 

Dahil medyo kinukulayan na namin yung mga drawings namin, nag Tagaytay kami noong October. Sayang lang at hindi kami kompletong Team Bully (nabuong barkada sa dati kong  company). Actually thursday na ako na inform na magta-Tagaytay pala ng saturday na yun. Pero go pa rin. Diba nga, natutuloy talaga ang mga biglaaang lakad. 

Nasundan agad ang Tagaytay trip ng Quezon-Laguna Trip noong November. Pero that time medyo marami na kami. Kahit umulan noong nasa Kamay ni Hesus na, keri pa rin. Ang saya ng Trip na yun. Ang daming napuntahan.

So noong December naman medyo marami ding ganap. May Christmas Party na para sa buong company na kung saan sumayaw kami na 3 hrs and a half lang ang practice. Oh ha! May Christmas party din para sa Division namin. Nag Pansol naman kami na kung saan hinulog ako sa pool kasi di talaga ako dapat maliligo doon. May Christmas party din kasama ang Team Bully. At syempre umuwi ako ng Christmas sa bahay pero bumalik din ng Manila ng 26. May pasok pa kasi kami sa office at marami pa kailangang gawin. May huling hirit pa talaga kami para sa 2016. Noong 29 pumunta kami sa isang resort sa Antipolo para i celebrate birthday ni Jes. Ang ganda dun. May overlooking keme pa sila dun. Basta maganda. 

So yun! That was my 2016. It was really a fruitful and amazing year! So 2017 ha, binabalaan kita. Nakita mo naman performance ni 2016. Kung feel mong higitan, okay lang naman. Di na ako aarte! 🙂 

Sana more travels with family and friends pa this year! At sana talaga, matuto naman akong mag ipon ano? Wag kasi puro lamon Mary Joy! I’m really excited for this year. Feeling ko kasi it will also be a great year. I claim it!

May hindi ba ako na mention? Siguro yung ano… Haha! Wala akong ikukwento tungkol dun kasi wala naman talaga! At wala akong pakialam! Joke. Haha. Pero ipag pe-pray natin yan. Haha!

2017, I’m so ready! Let’s do this!

 

Laughtrip sa Trip

Ang sayaaaaa! Di naging weekend ang weekend ko! Haha! Ang usual weekend kasi para sakin ay naka tengga lang sa bahay. Yung gigising ng 11:00 am tapos maghahanda ng lunch (na minsan sa fast food o karinderya na lang bumibili) tapos internet, ligo, internet, dinner at internet hanggang 2:00 am.

Pero nung weekend, nag Tagaytay kami ng team bully tapos nung Sunday pumunta kami sa Tita ko.

Ang saya ng Tagaytay trip! 2 years ago na kasi mula nung last na punta ko dun. At yung mga napuntahan namin never ko pang napuntahan yun. Mas masaya pa kasi yung mga nakasama ko kayang magpatawa ng buong araw. Ang daming jokes, knockknocks, epic moments at bullyhan. Basta ang saya! Lumagpas pa kami sa isang pinuntahan namin. Pero masaya pa din. Haha!

Nung Sunday naman bumisita kami sa bahay ng Tita ko. Andun din kasi isa ko pang Tito kasama family niya nagbakasyon dito. Paminsan minsan lang ang moments na yun!

Basta, happy talaga ang weekend ko. Quezon naman daw next weekend. Haha! Ang sayaaaa!

Opisina


I was scolded, well not really scolded siguro napagsabihan lang ng boss ko regarding my behavior na i was not aware I’m having na pala. Mangiyak-ngiyak ako after nun. Suguro kasi after a long time that time lang ulit ako napagsabihan and tungkol pa sa behavior ko. Feeling ko tuloy ang sama ng ugali ko. I wanted to talk to someone that time pero wala akong mapagsabihan. Gusto ko na nga lang manghila ng kahit sino at ililibre ko ng dinner para may mapagkwentohan lang ako. Gusto ko lang ilabas lahat ng nasa utak ko.

 

Then I realized mali nga talaga ako. Minsan kasi sa sobrang saya nakakalimutan na ang feelings ng iba. Ang insensitive ko kasi. Minsan kasi isip bata din. Kaya sabi ko sa sarili ko, siguro naman dahil nadagdagan na naman yung edad mo, pwede mo nang bawasan ang immaturity na to.

 

Yes immaturity. Once na akong napagsabihan ng ate ko ng linyang  “Grow up!”. Oh diba englishera. Siguro nga kailangan ko nang magmature. Siguro matured naman ako, pero may times talaga na hindi. I have to know and understand the situation before reacting on it.

Well, noted. Yun lang. ?

Kaarawan 2016

So it was my birthday last Monday. Okay naman siya. It was fun. Though my mga in-expect ako na mga bagay-bagay that day ma hindi nangyari pero okay lang. Siguro may mga reasons naman kung bakit hindi nangyari yun.

I don’t usually have material gifts for my birthday. Pero yung mga blessings na natanggap ko, sapat na yun. Indeed a happy birthday to me!

Siyudad ng mga Bituin

So eto na naman tayo sa mga first time experiences ko.

Last Saturday, pumunta kami ng Star City. Kasama ko ang mga former officemates ko. First time ko yun na sumakay sa iba’t-ibang klase ng rides. Hindi naman sa ayaw ko nun pero hindi lang siguro ako nagkaroon ng chance na ma experience yun. Kaya salamat sa mga kaibigan kong to sa pagyaya sa akin. Ang dami ko nang first time na kasama kayo! haha

Lahat naman ata ng rides nasakyan namin. Mula sa carousel (na todo suporta sila kasi first time ko), Bump Car, Star Flyer, Surf Dance,  hanggang sa Star frisbee na na alog ata lahat ng internal organs ko. Pero masaya! Pumasok pa kami sa horror room at Gabi ng Lagim na takbo lang ata ang ginawa namin. Nag chill chill naman kami sa Petter Pan na room.

Actually ang dami naming nabuong hugot sa ibat ibang rides na nandoon. Pero  ayaw ko na kasing humugot at baka isipin na naman nila na may pinang huhugutan ako pero actually wala naman na talaga. Last na yung pinost ko sa instagram at facebook. Haha.

Pero masaya ang experience na yun. Ang tanong, kung uulitin ko pa ba? Well, pag iisipan ko muna. haha!

Aaaaaaahbril

So… April 30 na. And in few minutes May na. Siguro there will be many na ang magiging status sa Facebook naman ay “be good to me May”. 🙂

Pero bago man mag May, gusto ko lang pasalamatan Si April. Medyo madaming ganap sa April ko kasi..

April 2, ikinasal si ate Michelle. Pinaka unang pinsan ko sa mother side na ikinasal. Lumuwas pa ng Manila ang dalawa kong tita, ate ko at Si Lola. Pero di nakadalo sina mama at papa. Pero keri lang. Naging mini reunion na din yung kasal..

April 4, first time Kong mag Subic. Company outing na first batch. Oo, may batch batch. Hanggang 4th batch pa nga. Pero mas pinili naming mag first batch kasi mas konti lang kami.

 April 9, umakyat kami ng bundo, Sa Mt. Daraitan sa Tanay Rizal. Kasama ko ng tatlong dati kong officemates. Amazing experience din yun. Mga tatlong araw ko ding ininda ang sakit ng katawan ko ha. Pero it’s worth the pain. talaga. First time kong maligo sa loob ng cave. First time ko ding maligo sa river. Yaaaa. Like, seriously. Haha.

April 24, nagka sideline kami na gumawa ng isang PowerPoint presentation na ang bayad ay kagulat gulat. Ang laki Teh for a presentation lang ha. Wala nga masyadong ginawa eh. Kasi simple lang din ang gusto nila.

Kaya Lord, maraming salamat sa blessings at guidance para sa April ko. Sa May ulit ha? Hehe.

Dalawang First Time

Well, today was amazing. Ay! 1:00 na pala.. So yesterday was amazing! Eto kasing dapat out of town namin ay Hindi ma tuloy tuloy. Kaya may nag suggest na manuod na lang ng pyromusical contest sa MOA. Originally dapat Lima kami.. Pero alam nyo naman ang mga Plano talaga minsan.. Ay basta to make the long story short tatlo na lang kami ang natuloy. Pero enjoy din naman talaga.

Dapat ang meet up at 1:00 pm na naging 2:00 pm pero naging 4:00 pm. Oh diba? San pa kayo? Haha. Kumain muna kami kasi mga gutom na kami. So ikot ikot para maka hanap ng makainan. Hanggang sa 1 hour na pero wala pa rin kaming mapili. Minsan kasi sa dami ng choices ang hirap din mamili. Pero nung huli burger king bagsak namin.

Pagkatapos naming kumain bumili na kami ng ticket para sa pyromusical.. Pumasok na kami agad sa venue para maka kuha ng magandang pwesto. Pero naisipan naming bumili muna ng chips sa hypermarket. Pinaiwan na namin yung isa naming kasama kasi kaka opera lang ng paa niya at para na rin may babalikan pa kaming pwesto. So yun. Nag start na yung pyromusical contest. Ang gaganda ng mga fireworks. Pero mas maganda yung pangalawa. Ang bongga eh. At parang swak talaga yung music.

After ng contest, naisipan ng isa Kong kasama na mag pirate ship daw na ride. Honestly kasi never pa akong nag try ng any rides. Kaya first time ko talaga yun at gusto ko naman talagang subukan. Pero nakakaloka. Di ko naman iniexpect na mangangatog tuhod, paa at kalamnan ko ng ganun. Feeling ko nagka buhol buhol na intestines ko. Pero ang saya ng experience na yun. Pero di ko na ata uulitin. Haha!

Dahil nangangatog pa kami dahil sa ride na yun nag chill chill muna kami sa gilid ng manila bay. First time ko din dun! Haha. Nakakatuwa. Two new experiences in one day. Salamat sa dalawa Kong kasama. Sa uulitin ha..