Mt. Batolusong

Namundok kami ulit last Feb 18! This time, Mt. Batolusong naman sa Tanay, Rizal. Kasama ko ang team bully (pero di kumpleto) at iba pang additional friends na sinama namin. Bale sampu kaming lahat. Nung friday pa lang magkakasama na kaming walo na natulog sa iisang bahay. Kasi parang ang hassle pag iba’t-ibang lugar pa ang panggagalingan namin.

So yun, mga 2:30 ng umaga kami umalis dun sa Pasig. One and a half hour lang tulog ko, kaloka! Nakarating kami ng Rizal ng mga 5:00 am. Medyo foggy pa ang daan ha. Agad na kaming nag start umakyat kahit madilim kasi nga yung dream kong sea of clouds baka di maabutan. Thank you friends, napaka supportive niyo sa dream ko na yun. Haha! Pero di ko na reach ang dream ko na yun sa Mt. Batolusong. Puro fog lang ang meron. Nung nasa second peak na kami medyo may clouds sa baba pero di siya sea eh. Timba of clouds lang. haha! Ayun, pinag tiyagaan ko ang fog. hahaha! Di na kami umakyat sa third peak kasi lumalakas na ang ulan.

Akala namin may falls kaming maliliguan pero inaayos pala ang daan papunta doon ngayon kaya di namin na puntahan. May dinaanan naman kaming cave pero di na kami naligo dun. Oh diba parang puro negative. Pero masaya! Masaya talaga kahit simumpong na naman ako ng pagka ewan at topakin ko dun sa bundok. Sorry guys. Pero after five minutes okay na ako. haha!

Mga 11:00 am naka baba na kami. Naglunch kami sa basecamp nila. Masarap ang food! Medyo may kamahalan nga lang pero napaka ganda ng service nila. Clap clap to that!

Umulan pa nun. Buti na lang naka baba na kami nung tumuloy tuloy ang ulan. After namin mag lunch at magpahinga nag ready na kami pauwi. Naka rating kami ng Manila malapit na six ng gabi. Bago ako nila idaan sa amin kumain muna kami. Mga gutom eh. 11:00 pa kaya ang last naming kain. So yun after kumain dinaan na nila ako dito samin. Special shout out kay mayor na inenjoy ata ang pag dadrive.

Isang napaka lupit na naman na experience with you guys! Thank you so much! Di naman sumakit katawan natin diba? So, saan susunod? haha!

Tawa sa Gala

​Naka dalawang gala na ako pero di ko pa nakukwento. Bakit ko ikukwento? Kasi kwentohan tayo dito? Haha. At Kung sakali mang mag ka amnesia ako, at least may reference pa ako ng mga ala-ala ko. Wow, amnesia.. teleserye o pelikula ba to? Haha. Well, kung sakali lang naman. So saan ba kami naggagala? Yung una muna tayo, yung sa Quezon at Laguna.

Yung Quezon gala na to, na postpone talaga ang original na date ng trip kasi marami ang hindi pwede that time. Pero okay lang. At least marami kami ang nakasama nang natuloy na. Road trip ng bongga eh.

Bale Laguna-Quezon-Laguna kami. Nauna kami sa UP Los Baños tapos sinunod yung underground cementery. After doon dapat mag pi-Pililia kami kaso kulang na sa time kaya dumeretso na kami sa Kamay ni Hesus sa Quezon. Maganda sana dun kaso umuulan (blessings yun!). Pero enjoy pa rin. Doon na ako namili ng iba kong pasalubong.

Naglunch kami sa Palaisdaan. Sarap ng laing grabe! Lahat ng food masarap! Super busog! Pero mga 2:00 pm na kami naka lunch. Haha. Kaya ubos lahat. Lol

After nun, byahe na kami pabalik. Pero may mga dinaan paring mga lugar. Next stop is  ecopark sa Cavinti. Parang daan talaga siya tapos umapaw lang ang tubig na derecho sa ilog ata yun. Haha. Masaya din yun. Picturan ng bongga. And ang last stop ay… Japanese Garden. Garden na wala akong nakitang flower. Joke. May hagdan dun na feeling mo walang katapusan. Pero lahat ng bagay ay may hangganan. Haha. Sa pinaka dulo nun parang viewing spot nila. Ang ganda n view.  Mga 6:30 na ata kami naka alis dun.

Ang saya lang na trip na yun. Idagdag pa ang mga kasamang walang humpay kung magkulitan, bullyhan at tawanan. Sayang lang at di kami kompleto. Makukumpleto din tayo, tiwala lang. ?

Thank you Lord at di mo kami pinabyaan sa byahe namin na yun. ?

Hugot sa Star City

Wala naman talaga eh!

Hugot? Well, pwede ako diyan.. Siguro yung iba kong friends sa facebook at followers sa instagram at twitter (wow, dami ah. haha) ay naririndi na sa mga hugot ko. Pero may mga friends naman na suportado ako sa mga bagay na yan kasi relate sila. haha! Joke! Supportive lang talaga siguro sila. Pero actually, wala naman ako masyadong pinang huhugutan.  Wala naman akong pinag daanan na ka hugot hugot. Wala naman akong lovelife para pang hugutan. Wala talaga. Di ko nga alam kung paano ko nabubuo ang mga hugot na yan.

One time, pumunta kami ng Star City ng friends ko. Akalain mong pati doon may mga mabubuong hugot pa rin kami. Lahat ata ng rides at attractions eh, ultimo bump car? Sus. Di naka lagpas. Isang hugot lang ang pinost ko kasi sasabihin naman nila, “Ayan ka na naman sa mga hugot mo”. Sabi ko nga yun na ang last eh.Pero eto, share ko ang iba sa mga hugot na nabuo sa Star City.

Star Frisbee

“Ang bilis mo naman akong itapon pagkatapos mo akong paikot-ikotin”

Music Express

“Yung naka move on ka na, pero magugulat ka na lang na bumabalik pa siya”

Star Flyer

“Ang bilis-bilis ka niyang pina ikot pero pipiliin mo pa ring ipikit na lang ang iyong mga mata kasi doon ka masaya”

Pirate Adventure

“Nag expect ka base sa pinakita niya na panlabas, pero paiikutin ka lang pala hanggang sa ikaw ay maka labas”

Vikings

“Ang saya mo pa noong una, pero habang tumatagal mas gugustuhin mo nang itigil na”

Giant Star Wheel

“Noon akala ko dahil sayo makikita ko na ang buong mundo, yun pala pabababain mo rin ako pagkatapos ng ilang minuto”

Peter Pan

“Kung sino-sino na ang nakita ko, pero nasa dulo ka pala nag aantay para makita rin ako”

Carousel

“Okay lang kahit pina-ikot ka, dahil naging masaya ka naman diba?”

Bump Car

“Banggain mo man ako ng ilang beses, hindi na ako masasaktan kahit iyon man ay iyong nais dahil sanay na ako mula noong sinaktan mo ako ng labis”

Tornado

Wag mong ipikit ang iyong mata dahil pinapa ikot ka lang niya. Akala mo masaya, yun pala sa huli sasabihin mo rin na, nakakahilo rin pala.

Buena Vista!

a view from BUENAVISTA, GUIMARAS! after an hour and a half of walk, i feel relaxed because of this beautiful view. try to visit Guimaras for you to see how lovely this province is. :)))