My 2016

2017 na! Akalain mo yun oh! Parang ang bilis ng 2016 para sa akin. Yung parang natulog lang ako tapos pagkagising ko 2017 na. Charot! Pero as I look back sa mga post at mga pictures ko for 2016, na realize ko na ang dami ko palang ganap last year. 

Mula sa pagkaroon ko ng new work noong January na nagbigay sakin ng opportunity na ma meet ang mga bagong kaibigan at katrabaho. Ang dami ko talagang natutunan sa work ko ngayon. Example na diyan ang pagiging mabait at kalmado kahit ang sarap nang pektusan ang kausap mo. Joke! Bonus pa yung inoffer sakin ang isang posisyon na never ko namang pinangarap pero gustong-gusto ko na ngayon. Thank you Lord!

Dahil hindi ako naka uwi ng Holyweek nong March, pumunta na lang ako kina tita sa sumama sa kanila mag Visita Iglesia. Pumunta kami doon sa Regina Rica sa Rizal. Ang ganda mag nilay nilay dun. Dinaanan na din namin ang windmill farm sa Taytay.

Namundok ulit ako noong April. That time sa Mt. Daraitan naman sa Rizal pa rin. Kasama ko ang mga former officemates ko. Proud talaga ako na na survive namin yun kahit na all girls kami at wala pang matinong breakfast. Jusme! Mas madali siyang akyatin kesa sa Mt. Pamintinan pero kasi di kami nag breakfast! Bat kasi di namin naisip mag breakfast nun? Kumain lang kami ng sandwich sa taas kaya pagbaba namin parang mahihimatay na kami. 

Noong April din ikinasal si ate Michelle, unang apo/cousin sa mother side na ikinasal. Naging mini reunion na din yung kasal kaso wala sina mama nun kasi may seminar ata siya nun. Nung April din nag start magpagawa ng bagong bahay namin sa province. Tapos same month, first time kong pumuntang Subic ng dahil sa company outing. 

Hindi talaga ako dapat uuwi ng May. Pero uuwi kuya ko nun para bomoto sa election. Tapos na mention ko kina mama na gusto ko din sanang umuwi pero wala sa budget (nagparinig lang wh no? haha). Sakto naman noong last week ng April nagka pera ako. Tapos sabi ng ate ko siya na daw bahala sa one way ko (I love you talaga dai!). Edi di na ako umarte, kaya naka uwi ako noong May.

First time ko namang mag Star City noong June. Kasama ko ulit mga former officemates ko. Nag rides all you can kami. Nahilo, nagutom, humugot. Ang dami naming nabuong hugot dun. haha! Pero masaya grabe. Noon ko lang na realize, ang saya pa sumakay ng rides. haha!

Last July naman, pa birthday na rin siguro ng kuya ko para sa akin, binili niya ang domain ko na to para sa blog ko. Ang saya! Siya pa nag bayad. Mabait talaga kuya ko di lang halata. Haha!

Dahil nalipat ako ng posisyon, kailangan may pumalit sa posisyon ko na existing kaya nerecommend ko ang dati kong officemate na mag e-end na ng contract doon. Okay lang naman daw sabi ng HR. Nag start siya noong August.  Mas okay na may kapalitan na ako. Kasi nung wala pa, umaabot ako ng 8:00 pm sa pag uwi kasi ginagawa ko na mga gawain ko sa bagong position plus mga gawain ko pa sa current position. Kaya yun, nung dumating siya thankful talaga ako.

Noong September  naman wala masyadong ganap. Nagkasakit kasi ako sa month na to. After a long time nagka lagnat ako. Yung mali ko lang dun, hindi ako kumakain. Wala kasi akong gana kaya nanghina ako ng bongga. Tatlong araw din akong naka leave nun. Iba pa rin yung may nag aalaga sayo pag may sakit ka (nanay ko ang mini-mean ko ha). 

Dahil medyo kinukulayan na namin yung mga drawings namin, nag Tagaytay kami noong October. Sayang lang at hindi kami kompletong Team Bully (nabuong barkada sa dati kong  company). Actually thursday na ako na inform na magta-Tagaytay pala ng saturday na yun. Pero go pa rin. Diba nga, natutuloy talaga ang mga biglaaang lakad. 

Nasundan agad ang Tagaytay trip ng Quezon-Laguna Trip noong November. Pero that time medyo marami na kami. Kahit umulan noong nasa Kamay ni Hesus na, keri pa rin. Ang saya ng Trip na yun. Ang daming napuntahan.

So noong December naman medyo marami ding ganap. May Christmas Party na para sa buong company na kung saan sumayaw kami na 3 hrs and a half lang ang practice. Oh ha! May Christmas party din para sa Division namin. Nag Pansol naman kami na kung saan hinulog ako sa pool kasi di talaga ako dapat maliligo doon. May Christmas party din kasama ang Team Bully. At syempre umuwi ako ng Christmas sa bahay pero bumalik din ng Manila ng 26. May pasok pa kasi kami sa office at marami pa kailangang gawin. May huling hirit pa talaga kami para sa 2016. Noong 29 pumunta kami sa isang resort sa Antipolo para i celebrate birthday ni Jes. Ang ganda dun. May overlooking keme pa sila dun. Basta maganda. 

So yun! That was my 2016. It was really a fruitful and amazing year! So 2017 ha, binabalaan kita. Nakita mo naman performance ni 2016. Kung feel mong higitan, okay lang naman. Di na ako aarte! 🙂 

Sana more travels with family and friends pa this year! At sana talaga, matuto naman akong mag ipon ano? Wag kasi puro lamon Mary Joy! I’m really excited for this year. Feeling ko kasi it will also be a great year. I claim it!

May hindi ba ako na mention? Siguro yung ano… Haha! Wala akong ikukwento tungkol dun kasi wala naman talaga! At wala akong pakialam! Joke. Haha. Pero ipag pe-pray natin yan. Haha!

2017, I’m so ready! Let’s do this!

 

Tawa sa Gala

​Naka dalawang gala na ako pero di ko pa nakukwento. Bakit ko ikukwento? Kasi kwentohan tayo dito? Haha. At Kung sakali mang mag ka amnesia ako, at least may reference pa ako ng mga ala-ala ko. Wow, amnesia.. teleserye o pelikula ba to? Haha. Well, kung sakali lang naman. So saan ba kami naggagala? Yung una muna tayo, yung sa Quezon at Laguna.

Yung Quezon gala na to, na postpone talaga ang original na date ng trip kasi marami ang hindi pwede that time. Pero okay lang. At least marami kami ang nakasama nang natuloy na. Road trip ng bongga eh.

Bale Laguna-Quezon-Laguna kami. Nauna kami sa UP Los Baños tapos sinunod yung underground cementery. After doon dapat mag pi-Pililia kami kaso kulang na sa time kaya dumeretso na kami sa Kamay ni Hesus sa Quezon. Maganda sana dun kaso umuulan (blessings yun!). Pero enjoy pa rin. Doon na ako namili ng iba kong pasalubong.

Naglunch kami sa Palaisdaan. Sarap ng laing grabe! Lahat ng food masarap! Super busog! Pero mga 2:00 pm na kami naka lunch. Haha. Kaya ubos lahat. Lol

After nun, byahe na kami pabalik. Pero may mga dinaan paring mga lugar. Next stop is  ecopark sa Cavinti. Parang daan talaga siya tapos umapaw lang ang tubig na derecho sa ilog ata yun. Haha. Masaya din yun. Picturan ng bongga. And ang last stop ay… Japanese Garden. Garden na wala akong nakitang flower. Joke. May hagdan dun na feeling mo walang katapusan. Pero lahat ng bagay ay may hangganan. Haha. Sa pinaka dulo nun parang viewing spot nila. Ang ganda n view.  Mga 6:30 na ata kami naka alis dun.

Ang saya lang na trip na yun. Idagdag pa ang mga kasamang walang humpay kung magkulitan, bullyhan at tawanan. Sayang lang at di kami kompleto. Makukumpleto din tayo, tiwala lang. ?

Thank you Lord at di mo kami pinabyaan sa byahe namin na yun. ?

Walang Taxi Teh!

May time nung last year at netong year na parang ginusto ko na talagang maging in a relationship ang status ko. Oo, ginusto ko nang magka jowa. like, seriously! Haha. Pero wala eh. Siguro plano na rin yun ni Lord.

Then na realize ko ngayon bakit ko ba na isip yun? Nagmamadali? May nag aantay na taxi Teh? Desperate times na ba? Di naman ata ako nainggit sa iba na may jowa. Though nagbibitter minsan sa mall pag may couple na naglalakad sa harap ko na sweet na sweet. Alam mo yun? Kainis eh. Joke. Haha

Pero sa ngayon, parang mas gusto kong magparami muna ng pera (wahahaha!) at mag travel! Parang andami ko na ngang naiisip na puntahan. Travel with family, travel with friends at travel alone! Sana talaga ma achieve ko na yang travel alone next year.

Happy naman ako sa life ko ngayon eh. Walang halong echos to. Maganda naman takbo ng work ko na sana magtuloy tuloy. I’ve got bunch of great friends na dito sa Manila. Healthy ako at ang family ko. Okay na ako dun.

Pero kung may darating man, aarte pa ba ako? Maganda lang? Haha. Pero depende din. Charot! (Nagmamaganda talaga si ateng!)

Laughtrip sa Trip

Ang sayaaaaa! Di naging weekend ang weekend ko! Haha! Ang usual weekend kasi para sakin ay naka tengga lang sa bahay. Yung gigising ng 11:00 am tapos maghahanda ng lunch (na minsan sa fast food o karinderya na lang bumibili) tapos internet, ligo, internet, dinner at internet hanggang 2:00 am.

Pero nung weekend, nag Tagaytay kami ng team bully tapos nung Sunday pumunta kami sa Tita ko.

Ang saya ng Tagaytay trip! 2 years ago na kasi mula nung last na punta ko dun. At yung mga napuntahan namin never ko pang napuntahan yun. Mas masaya pa kasi yung mga nakasama ko kayang magpatawa ng buong araw. Ang daming jokes, knockknocks, epic moments at bullyhan. Basta ang saya! Lumagpas pa kami sa isang pinuntahan namin. Pero masaya pa din. Haha!

Nung Sunday naman bumisita kami sa bahay ng Tita ko. Andun din kasi isa ko pang Tito kasama family niya nagbakasyon dito. Paminsan minsan lang ang moments na yun!

Basta, happy talaga ang weekend ko. Quezon naman daw next weekend. Haha! Ang sayaaaa!

Hindi Sweet, Thoughtful lang

Noong birthday ko may nag greet sa akin at ang sabi I’m one of the sweetest persons na kilala niya. Kokontrahin ko sana ang sinabi niyang yun pero dahil birthday ko, nag thank you na lang ako. (Ano yun? Birthday na birthday maldita?) haha!

Pero ito lang ang masasabi ko:

Hindi ako sweet, thoughtful lang.

Ano ba ang pinag kaiba nun? Ayon Kay Tita Merriam ang Merriam Webster Dictionary ang sweet is defined as very gentle, kind, or friendly. Samantala ang thoughtful naman ay defined as showing concern for the needs or feelings of other people. So base sa definition na to thoughtful lang talaga ako. Hindi ako sweet.

Wala ata sa katawan ko ang pagiging sweet eh. May concern lang ako pero hanggang doon lang yun. Wala na yung pagiging gentle, kind o friendly. Basta, hindi ako sweet. Period.

Hindi ata ako marunong maging sweet. Natuturo ba yun? Magpapaturo sana ako. Para saan? Well, sabihin na lang natin na para sa future use. ?

Independent

Sanay siyang mag-isa. Mag-isang mag mall. Mag-isang kumain. Mag-isang umuwi. Mag-isang magsimba. Mag-isang gumawa ng mga bagay-bagay.

Minsan nababahala na siya na baka sa sobrang sanay niya na, eh nababaliwala niya ang mga pagkakataon na magkaroon ng makakasama.

Makakasamang magmall. Makakasamang kumain. Makakasamang umuwi. Makakasamang magsimba. Makakasamang gumawa ng mga bagay bagay.

Hindi naman porket kayang niyang mag-isa, di niya na kailangan ng makakasama. Minsan, kinakaya niyang mag-isa kasi wala naman siyang choice. At kung meron man, ayaw niya nang maka abala pa sa iba.

Yung iba siguro ang tingin nila ang tapang niya kasi nakakaya niyang mag-isa. Pero natanong niyo ba kung okay lang siya? Kasi may pagkakataon na hindi. May pagkakataon na kailangan niya rin ng karamay. Ng may masasandalan. Ng may mapagkwentohan. Ng makakasama.

Relo

Wala na naman pala akong relo. Nasira kasi ang strap ng relo na bigay ng ate ko. Nasira na yun dati. Inayos ko lang. Nilagyan ko lang ng super glue. Akala okay na siya. Pero nasira ulit ngunit this time di na talaga siya maaayos. Gumagana pa naman siya sana kaso di ko na talaga masusuot. Sayang naman.

Dati di naman talaga ako nagsusuot ng relo. Pero nung may nag regalo sakin ng relo tapos di gumana ng kalaunan parang di na ako sanay na walang relo. Parang may kulang. Palagi akong tumitingin sa wrist ko para tignan ang oras pero wala na pala akong relo. Nasanay na kasi akong meron.

Kaya ng mga sumunod na mga pasko at birthday ko ang gusto ko nang regalo ay relo. Kahit mumurahin pa yan okay lang. Di na kasi ako sanay na walang relo. Pero siyempre pagmura mas mabilis siyang masira. Pero ang sunod Kong bibilhin niyan yung mumurahin pa rin. Sabi ko kasi okay naman kahit mumurahin. Parehas pa din naman ang takbo ng oras niyan…

Pero matapos masira ng huling relo ko na to, napaisip ako na itry yung mahal. Baka lang naman mas magtagal. ?

Opisina


I was scolded, well not really scolded siguro napagsabihan lang ng boss ko regarding my behavior na i was not aware I’m having na pala. Mangiyak-ngiyak ako after nun. Suguro kasi after a long time that time lang ulit ako napagsabihan and tungkol pa sa behavior ko. Feeling ko tuloy ang sama ng ugali ko. I wanted to talk to someone that time pero wala akong mapagsabihan. Gusto ko na nga lang manghila ng kahit sino at ililibre ko ng dinner para may mapagkwentohan lang ako. Gusto ko lang ilabas lahat ng nasa utak ko.

 

Then I realized mali nga talaga ako. Minsan kasi sa sobrang saya nakakalimutan na ang feelings ng iba. Ang insensitive ko kasi. Minsan kasi isip bata din. Kaya sabi ko sa sarili ko, siguro naman dahil nadagdagan na naman yung edad mo, pwede mo nang bawasan ang immaturity na to.

 

Yes immaturity. Once na akong napagsabihan ng ate ko ng linyang  “Grow up!”. Oh diba englishera. Siguro nga kailangan ko nang magmature. Siguro matured naman ako, pero may times talaga na hindi. I have to know and understand the situation before reacting on it.

Well, noted. Yun lang. ?

Kaarawan 2016

So it was my birthday last Monday. Okay naman siya. It was fun. Though my mga in-expect ako na mga bagay-bagay that day ma hindi nangyari pero okay lang. Siguro may mga reasons naman kung bakit hindi nangyari yun.

I don’t usually have material gifts for my birthday. Pero yung mga blessings na natanggap ko, sapat na yun. Indeed a happy birthday to me!

Hugot sa Star City

Wala naman talaga eh!

Hugot? Well, pwede ako diyan.. Siguro yung iba kong friends sa facebook at followers sa instagram at twitter (wow, dami ah. haha) ay naririndi na sa mga hugot ko. Pero may mga friends naman na suportado ako sa mga bagay na yan kasi relate sila. haha! Joke! Supportive lang talaga siguro sila. Pero actually, wala naman ako masyadong pinang huhugutan.  Wala naman akong pinag daanan na ka hugot hugot. Wala naman akong lovelife para pang hugutan. Wala talaga. Di ko nga alam kung paano ko nabubuo ang mga hugot na yan.

One time, pumunta kami ng Star City ng friends ko. Akalain mong pati doon may mga mabubuong hugot pa rin kami. Lahat ata ng rides at attractions eh, ultimo bump car? Sus. Di naka lagpas. Isang hugot lang ang pinost ko kasi sasabihin naman nila, “Ayan ka na naman sa mga hugot mo”. Sabi ko nga yun na ang last eh.Pero eto, share ko ang iba sa mga hugot na nabuo sa Star City.

Star Frisbee

“Ang bilis mo naman akong itapon pagkatapos mo akong paikot-ikotin”

Music Express

“Yung naka move on ka na, pero magugulat ka na lang na bumabalik pa siya”

Star Flyer

“Ang bilis-bilis ka niyang pina ikot pero pipiliin mo pa ring ipikit na lang ang iyong mga mata kasi doon ka masaya”

Pirate Adventure

“Nag expect ka base sa pinakita niya na panlabas, pero paiikutin ka lang pala hanggang sa ikaw ay maka labas”

Vikings

“Ang saya mo pa noong una, pero habang tumatagal mas gugustuhin mo nang itigil na”

Giant Star Wheel

“Noon akala ko dahil sayo makikita ko na ang buong mundo, yun pala pabababain mo rin ako pagkatapos ng ilang minuto”

Peter Pan

“Kung sino-sino na ang nakita ko, pero nasa dulo ka pala nag aantay para makita rin ako”

Carousel

“Okay lang kahit pina-ikot ka, dahil naging masaya ka naman diba?”

Bump Car

“Banggain mo man ako ng ilang beses, hindi na ako masasaktan kahit iyon man ay iyong nais dahil sanay na ako mula noong sinaktan mo ako ng labis”

Tornado

Wag mong ipikit ang iyong mata dahil pinapa ikot ka lang niya. Akala mo masaya, yun pala sa huli sasabihin mo rin na, nakakahilo rin pala.