The Talking Cellphone

Ewan ko kung anong meron sa Monday, pero itong ikukwento ko ay nangyari na naman noong Monday last week.

Ilang beses naman na tong nangyari pero parang… wala lang. May na realize lang ako noong Monday. For the nth time kasi naiwan ko na naman ang cellphone ko sa bahay. Hindi naman ako malelate noong Monday. Hindi nga ako nagmamadali eh. Pero naiwan ko pa din cellphone ko. Kadalasan kasi naiiwan ko ito kapag malelate at nagmamadali na ako.

Noong naka sakay na ako sa bus na realize ko na hindi ko pala dala. Mag fe-facebook sana kasi ako kasi traffic at ang boring. Pero alangan naman na bababa pa ako ng bus para balikan lang yun. Sabi ko sa sarili ko, “wala namang magtetext doon. Wala naman akong importanteng tawag na hinihintay”. So, okay lang.

Nang nag lunch break na, syempre pagkatapos kumain lahat talaga kami naka hawak na niyan ng cellphone para mag facebook, YouTube at kung ano ano pa diyan. Pero that time, ako walang hinahawakan. Sila, habang may pinapanood at may mga nababasa, eh tumatawa. Masaya. Ako, parang gusto ko na lang matulog. Parang nakakalungkot.

Siguro kung nakakapagsalita lang ang cellphone ko ang sasabihin niya ay: “oh ngayon, namimiss mo ako? Akala ko ba di mo ako kailangan? Maaalala mo na lang ako pag bored ka diba?   Akala ko ba okay lang sayo na wala ako sa tabi mo? Hindi naman ako ganoon ka importante sayo diba? Pero ngayong wala ako, hahanap-hanapin mo? Yan tayo eh. Kung kailan mawawala ang isang tao o bagay, diyan na lang natin ma rerealize na mahalaga pala sila sa atin. So, alam mo na? Kahit hindi mo man ako kailangan sa lahat ng oras, hindi pa rin ito rason para kalimutan o iwan mo ako.”
Ang daming sinabi ano? Buti nga di siya nakakapagsalita eh.

Pero may point naman siya. Hindi porket sa tingin mo hindi mo siya kailangan, eh madali na lang sayo na kalimutan siya at hindi balikan. Paano kung may tumawag o nagtext doon at emergency (na hindi ko naman hinihingi)? Paano kung may kakailanganin ka na doon mo lang makukuha?

Kaya nga huwag tayong basta-basta makakalimot. Kung nalimutan mo man, balikan mo hanggat pwede pa. Kasi may mga bagay na pwedeng mangyari na hindi natin inaasahan dahil lang doon sa pagkalimot na iyon.

That Moment

Eto kasi yun… May mga pangyayari talaga sa ating buhay na hindi natin inaasahan. Minsan mapapasama nalang natin ito sa listahan ng Embarrassing Moments natin. Kung embarrassing moments lang naman ang pag-uusapan medyo marami na ako nun. Pero wag naman sana madagdagan ano? So eto yung ilan sa mga iyon:

Una, tumayo ako para sa isang recitation pero hindi pala ako ang tinawag. (Ay sorry, feeling ko talaga na tama sagot ko eh). Kakalipat ko lang noon sa section na yun noong highschool at syempre di pa ako close sa mga kaklase ko dun. Noong may tinawag ang teacher namin para mag recite, akala ko ako yung tinuro niya. Yun pala yung nasa likod ko. Pasensya… mula noon assuming talaga ako. Haha! Kaya yun, pinagtawan nila ako. Naisip ko noon, ang sama naman nila kasi konting pagkakamali tatawanan na agad? Pero siguro nasanay lang ako na mas seryoso ang mga kaklase ko sa dati kong section. Pero sa kalaunan napagtanto ko na medyo maloko lang talaga sila. At noong huli nasasakyan ko na rin mga trip nila.

Pangalawa, nadapa ako sa harap ng isang mall. As in nadapa! Buti na lang maaga pa nun at hindi pa bukas ang mall kaya wala pa masyadong tao. Ang mga nakakita lang naman ay ang mga pedicab drivers. Pero kahit na. Ang laki ko na pero nadapa pa ako? Ano ba yan? Tinanong pa nga ako ng isang kuya na “Okay ka lang?” At least concerned pa si kuyang pedicad driver ha.

Pangatlo, nahulog ako sa upuan sa canteen. Well, mejo tanga lang. Malay ko bang sira yung upuan? Hindi nakita ng mga kasabay kong umupo na nahulog ako. Nakita na nila noong patayo na ako. Pero ang nakita ko lang na nakakita sa pagkahulog ko ay ang isa kong kaklase. Medyo natawa pa nga siya (nahiya lang siguro pagtawanan ako ng malakas). Pero canteen pa din yun! Di ko lang alam kung ilan pa ang nakakita sa pagkahulog ko na yun. Kaya mula noon, chini-check ko muna ang upuan doon sa canteen bago ako umupo.

Pang apat, dinumihan ako ng kalapati sa balikat. Sa lahat ba naman ng tao sa building na yun sa school noong college, ako talaga ang napag tripan ng kalapati na yun na paglagyan ng dumi niya ano? Kakatapos lang nun ng last exam namin para sa sem na yun at inaantay na lang namin sa labas ng room ang iba pa naming friends na hindi pa tapos sa exam. Nagulat na lang ako na may tumulo sa balikat ko na mainit at may amoy. Yaaaah! Like seriously! May mga kalapati kasi na tumatambay sa ibabaw ng building na yun. Hindi ko pa alam ang gagawin ko nun. Kung tatakbo ba ako o itatago ko mukha ko. Ang dami dami kasing mga estudyante din nasa sa labas na ng mga classroom at yung iba ka department pa namin. Buti na lang may dala akong extrang damit at sinamahan ako ng kaibigan ko pumunta sa CR.

Pang lima, nagbayad gamit ang SM Advantage Card imbes na Smart Money. Parehas kasi ang kulay ng dalawa, kaya nung kinuha ko sa wallet ko, akala ko Smart Money ko ang nadampot ko. Hindi pala. Na realize ko na lang na mali pala ang nadampot ko noong nagbabayad na ako sa counter at sinabihan ako ng cashier na “Ma’am SM advantage card po yan”. Nakakaloka! May mga naka pila pa naman sa likod ko na nakita ng pangyayaring yun. Hiyang-hiya ako noon pero tinawanan ko na lang. Buti na lang may kasama ako nun at siya muna ang nagbayad sa binili ko. At habang kumakain, nakita kong nasa ID holder ko lang pala ang Smartmoney ko. *sigh*
So top 5 lang muna. May iba pa actually at yung ilan doon ay ako lang nakaka alam (I think?). Pero sa mga embarrassing moments ko na to, may mga natututunan naman ako. At every time na naaalala ko ang mga to, natatawa na lang ako. Okay lang yun. Minsan lagyan naman natin ng comedy ang buhay natin kahit medyo kahihiyan na yung iba. Haha!

Siksik pa more

May naalala ako. Noong Monday maaga akong umalis sa bahay kasi ini-expect ko na matindi ang traffic at mahirap sumakay kasi nga Monday. Sakto naman nung pagkadating ko sa bus stop may bus na byaheng Ayala na nakatigil. Hindi na ako pumili at naghintay pa. Baka kasi ma late na ako kung mag aabang pa ako ng iba.

Pag akyat ko ng bus sakto naman may isang upuan pa sa pinaka dulo. Pero may isang pasahero na lumipat doon. Una di ko alam kung bakit. Kaya doon ako umupo sa inalisan niyang upuan. Nang maka upo na ako, alam ko na kung bakit siya lumipat.

Ang liit-liit pala ng space. Pang tatluhan nga na upuan pero ang lalaki naman nung unang dalawang naka upo, Kaya kahit (mejo) maliit na ako di pa rin ako saktong nakaka upo. Noong una nga parang half pa ng pwet ko ang nakaka upo. Pero habang bumabyahe yung bus napapansin ko na mas lumiliit ang space ko.

Naisipan kong lumipat ng upuan pag may bumaba. Pero nag alangan ako. May panahon na gustong gusto ko nang lumipat pero nauunahan naman ako sa lilipatan kong pwesto.

Nung bumaba na ang isa sa dalawang pasahero na katabi ko, natuwa ako. Sa wakas makaka upo na ako ng maayos! Pero mali pala ako. Dahil pang tatluhan nga yung upuan, may umupo naman sa tabi ko. Ito namang si ate kung maka pwesto wagas. Ako kaya naunang umupo dun pero kung maka eksena siya sa upuan parang siya ang nauna. Feeling ko mas komportable pa ang pagkakaupo niya kesa sa akin. Nakakatulog pa nga siya eh. Samantalang ako sikip na sikip at hindi komportable. Naiisip ko, hindi naman kasi yan kung sino ang nauuna. Siguro kung sino magaling umeksena?

Hanggang sa bumaba na ako. Mas okay nga nung bumaba na ako eh. Hindi na masikip kasi hindi ko na ipinagsiksikan sarili ko. Mas malaya na ako kasi hindi na ako naiipit. Mas komportable na ako kasi wala na akong kaagaw sa kung saan ako.

Talaga nga naman mahirap ipagsiksikan ang sarili. Minsan kahit tayo pa ang nauna, naagawan pa. Tayo pa yung nahihirapan.

Kaya nga, wag na kasing sumiksik kung alam mo namang masikip.

Kaibigan ka pala

There were times that I wondered if how much my friends really know about me. So last time all of a sudden I messaged some of my friends on Facebook (friends that I really know personally) asking them to give three adjectives that would describe me based on how they know me. So here are what they’ve said and my reactions to some of their answers (these are not what I replied to them):

Friend 1: “glamorous, kind-hearted and talented” – akalain may naka pansin na I’m kind-hearted. Sabi na eh… Mabait ako eh.

Friend 2: “bubbly, talkative and true” – talkative talaga? Ang tahimik ko kaya *wink* (pag di tayo close).

Friend 3: “serious, witty and englisherang palaka” – panlabas na anyo ko lang po ang pagiging seryoso actually. *puppy eyes*

Friend 4: “pretty, beautiful and gorgeous” – oh ha! Alam na this!

Friend 5: “jolly, pretty and caring” – caring daw oh. Ehem ehem. Pwede nang maging yaya…

Friend 6: “funny, optimistic and smart” – optimistic pala ako eh… Paminsan minsan lang naman… *puts hair behind the ears*

Friend 7: “friendly, smart and cheerful” – ako lang ata ang nag aakalang hindi ako friendly ah. Yung totoo?

Friend 8: “friendly, pretty and witty” – friendly na, pretty and witty pa! Bat di ako nag join ng beauty contest? Nakuha ko siguro yung Ms. Congeniality at Best in Interview. Lol

Friend 9: “clever, joyful and thoughtful” – nahiya naman ako dun sa clever…

Friend 10: “simple, hyper and lovable” – eto may explanation pa to ha. Di ko na inilagay baka pati ako di na maniwala. Haha! Pero gusto ko yung lovable. Naks!

Friend 11: “beautiful, friendly and tough” – oh ha! Tough! Matakot na kayo uy!

Friend 12: “attractive, genuine and ample” – *right click to ample then synonyms* aaaah. Yun pala yun.

Friend 13: “sexy, beautiful and talented” – wala po akong binayad sa kaibigan kong to ha…

Friend 14: “modest, carefree and emotera” – agree naman ako diyan sa emotera. Pero yung modest at carefree? Pinagloloko ata ako neto eh. Panty liner at napkin lang ako? Ha? Ai modess pala yun.

Friend 15: “maganda, mabait and friendly” – kaibigan ko talga to. Promise! Bigyan ng jacket!

Friend 16: “jolly, active and whatever” – yung whatever talaga ang nagdala sa sagot niya eh. Yun yun.

Friend 17: “Gwapa, gwapa and gwapa” – iniisip ko tuloy kung may utang ba to sakin na hindi nabayaran para eto yung isagot niya… haha!

Friend 18: “Cool, astig and modest” – hindi ko pa rin ma differentiate yung cool sa astig. Help!

Friend 19: “Friendly, lovely and beautiful” – pahabol to.. lovely na beautiful pa oh! Enebeyen.. Baka akalain ng mga di pa nakakakita sakin ang ganda ganda ko ha. lol

Friend 20: “Shutiful, jolly and elegant” – kung makapag elegant naman to oh. Luh!

Friend 21: “Witty, intelligent and beautiful” –  kaechosan! haha

As what I’ve said, these people are my FRIENDS. Kaya hindi na ako nagtaka kung puro positive yung mga sinagot nila. Sabagay, malapit na kasi Christmas… haha! Loko lang… Pero I know I have also that bad side. I messaged them again and asked them to give negative trait/s of mine. Many did not answer. Yung iba seenzoned ako. Some would say “parang wala naman..”. Di nga? Haha! Pero meron namang sumagot and I appreciate it really. Here are their truthful answers:

Pikon, moody, assuming, may inferiority complex, manhid, disdainful, suplada, moody (again), choosy, suplada (again), moody (for the 3rd time) and suplada (for the 3rd time).

Araaaaay! Truth hurts? Haha! Pero I would agree naman to most of it. I know I’m suplada (at times. LOL) and moody (at times. LOL again), but I’m trying to minimize those kind of traits of mine na. Bago bago din pag may time ano?

Minsan (siguro) kahit masakit pakinggan kailangan pa rin nating makinig sa sinasabi ng ibang tao lalo na sa mga mas nakakakilala sa atin. Merong times nga na alam naman natin ang mga bagay na yun pero may mga ipinaglalaban lang talaga tayo.

Now I know somehow if how those people see me as a person. Alam ko namang napa isip ko sila ng wala sa oras ng adjectives kaya I super appreciate it. Kahit alam ko naman na yung iba sa ngalan na lang ng pagkakaibigan namin… Haha! Libre ko kayo mentos pag nagkita tayo!

I labyu friends!

15 Things

Before I tried to make a “20 things about me” but I think there’s nothing much about me so I had a hard time making it up to 20 and was not able to finish it. But let me try it again but this time only up to 15. So here’s the 15 Things About Me:

1. I love eating spicy foods. If you would order me a chicken on a fast food, please do choose the spicy one.

2. I am not a fan of anime and cartoon shows. When I was a kid I was not really fond of watching animes and cartoons on TV unlike other kids at my age. I know some of it (like dragon balls, Inuyasha, Slam Dunk etc.) but I don’t know really their stories.

3. I have diaries. Yes diaries. With an S because every year I change it. I was in high school when I found myself writing on a diary. I don’t write on it every day, only when I feel like writing or something memorable happened to me.

4. When walking on a public place I don’t look at people’s faces. I have this perception that if I would look at them, they would look at me also. And it’s awkward. (Weird right?)

5. The only movie series that I followed is Harry Potter. Oh yeah. I’m did watch it all.

6. I’ve got more than 5 major embarrassing moments. I will share it here one of these days.

7. No to horror movies. Let me watch a romantic-comedy movie but not the horror one (though I’ve watched some).

8. I talk to my mirror. Really. Mirror. I would talk to a mirror as if I’m talking to someone and would speak in English (mejo echosera).

9. I’m not good on hiding common emotions. When I’m mad, you would really know it. My face expressions would tell you. When I’m happy (really happy), my laugh is overpowering.

10. Not so friendly. I’m not choosy on people who I talk to but I find it uncomfortable to mingle with people who I just met.

11. If you’re close to me, I would greet you at the first minute of your birthday. I would love to be awake until 12 midnight just to greet you a happy birthday. I know the feeling of being greeted on exactly 12 midnight. That’s why I also want to let some people feel that also.

12. I’m not into ketchup. I don’t like putting ketchup on my fries, eggs, hotdogs etc.

13. I stock candies at the office. Sometimes, it is my “pantawid gutom”.

14. I don’t know how to swim. Our house is not near the beach, we don’t have swimming pool at home, and I did not take swimming on PE during college.

15. I’ve got ball pens with different colors. I’m not a collector but every time I go to a bookstore I would really buy one.

Itlog at Corned Beef

Kaninang umaga gusto kong mag almusal ng itlog. Pero gusto ko rin ng corned beef. Pero medyo tinatamad akong magluto kaya naisip ko pagsabayin na lang sila. Hinalo ko yung itlog sa corned beef. Pinagsabay at pinaghalo. Okay naman eh. Masarap pa din naman siya. Hindi naman sumakit ang tiyan ko.
Pero sa isang relasyon hindi pwedeng ganun. Hindi dapat pagsabayin at hindi dapat paghaluin. Hindi nga sasakit ang tiyan mo, sasakit naman ang ulo mo.
Pilit kong iniintindi ang mga taong nagkakaroon ng mga sabay sabay na karelasyon. Hindi ba sila nakokontento sa isa at kailangan pang maghanap ng iba? Mahirap bang gawin na maging loyal sa isa kesa sa malilito ka sa huli kung sino sa kanila?
Baka kasi may mga pinag daanan sila dati na nag udyok sa kanila para gawin ang mga bagay na yan. Baka kasi sa tingin nila kulang ang pagmamahal na natatanggap nila kaya kailangan pa ng iba. Baka kasi kailangan nila ng reserba na pag nawala ang isa meron pa silang iba. Ano to? Gulong ng kotse?
Ang relasyon ay hindi pagkain na kahit pagsabay-sabayin at paghalu-haluin mo man ang mga sangkap nito ay hindi sasakit ang tiyan o ulo mo. Kung naging pagkain man ito sayo, sa huli kailangan mo pa rin mamili ng main ingredient mo. At isa lang yun. 

Kanino?

Kanino ba ang mas mahirap mag move on? Sa taong talagang naging kayo o sa tao na sana naging kayo?

One time nakita namin na ngumingiti mag isa ang isa naming officemate habang may binabasa sa phone niya. Sabi ng katabi kong officemate, “Inlove nga talaga oh. Ngumingiti mag-isa”. Doon nagsimula ang kwentuhan namin about sa love life niya.

Nasa tamang edad naman siya para mag asawa. Pero sa ngayon wala siyang boyfriend. Naka ilang boyfriend naman siya actually at sinusubukan niya namang mag date pa minsan minsan. Pero wala daw talaga siyang nagugustuhan sa ngayon.

Naikwento niya tungkol doon sa isang tao na hanggang ngayon hindi niya pa nakakalimutan ang feelings niya para dito kahit hindi naman naging sila. Classmates sila noong highschool at schoolmates sila noong college. Naging malapit daw sila sa isa’t-isa dahil palaging tumatambay dati sa dorm nila si guy kasama ang iba nilang friends. Noong una tinutukso niya pa sa kaibigan niyang babae si guy hanggang sa narealize niya na bakit parang nasasaktan siya sa tuwing ginagawa niya yun. Doon niya nasabi sa sarili niya na may gusto na siya kay guy.

Lumipas ang ilang taon pero yung pagkagusto niya na yun kay guy hindi pa rin nawawala. One time nagkita sila sa isang wedding ng kaibigan nila. Hindi niya daw muna pinansin si guy kasi nahihiya siya. Pero noong dumating na ang iba pa nilang mga kaibigan, nagpansinan naman na sila. Naitanong kay guy kung currently in a relationship siya. Sabi niya hindi daw. Pabirong naisip ng officemate ko na “siguro inaantay ako nito..”.

Sabi niya, kung dati na siyang gusto ni guy, sana sinabi niya na di ba? Pero hindi eh.

Naka move on na siya sa lahat ng mga ex niya, pero sa guy na to hindi pa rin. Sabi ko baka kasi walang closure. Sagot niya “pano magkaka closure kung hindi naman na open?”

Siguro mahirap nga kumawala sa feelings na hindi naman naging certain. Sa feelings na hindi ka sure kung mutual. Sa feelings na sarili mo lang ang nakaka alam. Kasi ang daming tanong na hindi nasagot. Ang daming “what ifs” na hanggang sa what ifs na lang. At ang daming “sana” na pinagsisihan mo na hindi mo ginawa.

Running Away

Kaninang umaga may nagtext na kaibigan ko at tinatanong if naniniwala ako na “sometimes running away is a solution”.

Ano ba yan! Umagang umaga kung maka tanong naman to?!

Anyway, sinagot ko naman ang tanong niya. Pero hindi din ako sure sa sagot ko actually. Sabi ko kasi depende naman kasi yan sa sitwasyon. (hindi ko lang talaga alam ang tamang sagot sa tanong na yun. Playing safe ba ako? haha! )

Siya kasi, feeling niya moving in a new place and having a new environment would make him a better person. Pag nandiyan kasi siya sa kung saan man siya ngayon sa tingin niya hindi siya magbabago. Kaya kailangan at gusto niyang umalis.

Is he being a coward? For me, he’s not. I think gusto niya lang magsimula ulit. Knowing some of the trials in his life, siguro napagod na din siya. Kasi alam niya naman na may mga kasalanan naman siya sa mga nangyari sa buhay niya.

Pero hindi ko pa talaga alam ang sagot sa tanong niya na yun. hanggang ngayong pinag iisipan ko pa. haha!

Traffic light

Every time na tatawid ako ng EDSA hinihintay ko munang mag green yung traffic light. Hindi ako sumasabay sa mga taong tumatawid na pag nakita nilang walang parating na sasakyan kahit hindi pa dapat pwedeng tumawid. Maliban sa sumusunod lamang ako sa simpleng traffic rules, natatakot din akong madisgrasya dahil alam ko walang ibang sisisihin nun kung hindi ang sarili ko. Kasi nga naka red ang traffic light. Meaning, hindi pa pwede. So pagnagkataon na madisgrasya ako wala akong karapatan na sisihin yung driver kasi ako nga naman ang pumiling ilagay ang sarili ko sa alanganin.

Katulad lang yan sa pag-ibig. Alam mo namang hindi pwede bakit mo pa ginagawa? Pag nasaktan ka ba sino sa tingin mo ang may kasalanan nun? Bakit mo naman ilalagay ang sarili mo isang bagay na hindi ka sigurado?

Pero may mga tao talagang handang i-risk ang sarili nila kahit hindi sila sigurado sa mangyayari sa pagtawid nila na yun. Siguro nagmamadali lang sila. Siguro nakisabay lang din sila sa ibang pang tumawid. Siguro kailangan na talaga nilang tumawid.

Nasa sa iyo naman yan kasi. Siguro depende sa prinsipyo mo. Minsan kahit ilang ulit nang nasaktan ang isang tao, pipiliin niya paring itaya ang sarili niya. Kasi at least sinubukan niya.

Pero ako, takot ako. Ayaw ko ng hindi sigurado. Hindi ako ganun katapang katulad ng iba na itataya ang sarili nila sa isang bagay na walang kasiguraduan. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ako mag aantay na mag green ang traffic light bago tumawid.

Malay natin balang araw, bago ako tumawid may nakahawak na sa aking kamay at sabay kaming tatawid kahit hindi pa naka green ang traffic light. Sasabay ako sa kanya kasi alam kong hindi niya hahayaan na masaktan at may mangyari sakin na masama kasi nasa tabi ko siya. Alam kong poprotektahan niya ako. At baka masabihin ko na sa sarili ko na “He’s worth the risk”.

The Bus

Ang kwento sa likod ng hugot ko na ‘to? Nag out ako ng 5:30 PM sa office. Akalain mo ba namang 7:00 PM na hindi pa rin ako nakaka sakay ng bus? Ang tagal tagal at pagod na ako. Hindi ko alam kung saan tumambay ang mga bus at hanggang sa mga oras na yun ay hindi pa rin ako nakakasakay. Siguro ginawa namang parking lot ang EDSA. Anyway, ewan ko pero na relate ko sarili ko sa pag aantay ko ng bus? haha! Minsan talaga may mga magandang naidudulot din ang mga bagay na akala natin perwisyo na sa atin.